Facebook

Negosyante pinakain ng bala sa resto

SA kasagsagan ng kasarapan ng pagkain sa isang restoran ay pinakain ng bala ang isang negosyante sa Bulacan.
Dead on the spot ang negosyanteng si Samuel Mora, 39 anyos, habang sugatan ang kasamahan niyang si Howard Tan nang pagbabarilin ng isang lalaki sa loob ng Chinese restaurant sa Meycauayan,.
Sa report, nakasuot ng sumbrerong itim, dilaw na damit at maong na salawal ang salarin.
Sa ulat, nangyari ang insidente 4:13 ng hapon, Linggo, Mayo 16 sa Barangay Malhacan, Meycauayan.
Sa salaysay ng isang waiter, umorder pa ng beef brisket ang salarin at nakaupo sa kabilang upuan malapit sa mesa nina Mora at Tan.
Nang makatiyempo, pinutukan ng ilang beses ng lalaki si Mora at tinamaan din ng bala ang katabing si Tan.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan si Mora na agad binawian ng buhay.
Tumakas ang salarin patungo sa kanlurang direksyon ng Mc Arthur hi-way.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon at follow up operation ng pulisya para matunton ang salarin.(James de Jesus/Thony Arcenal)

The post Negosyante pinakain ng bala sa resto appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyante pinakain ng bala sa resto Negosyante pinakain ng bala sa resto Reviewed by misfitgympal on Mayo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.