Facebook

‘Now is the time to act’: Bong Go sa mga kapwa mambabatas, local hospital bills ‘wag patagalin

IGINIIT ni Senate Committee on Health chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa mga kasamang mambabatas na agad nang kumilos at huwag magpatumpik-tumpik sa pagpapasa ng local hospital bills na layong mapabuti at maisaayos ang bed capacity, maging ang mga gamit sa mga pampublikong oispital sa iba’t ibang sulok ng bansa.

“Obviously, our priorities, ito pong health problem po natin. […] Ang ayaw nating mangyari, maghihingalo ang mga kababayan natin na wala nang pupuntahan. Nasa pandemya po tayo,” sabi ni Go sa harap ng mga kapwa mambabatas sa Senate regular session noong Huwebes.

“Iba po ang kaso natin ngayon. Darating naman po siguro ang panahon na pagdedebatehan natin ‘yung share ng IRA (Internal Revenue Allotment), ng NaTA (National Tax Allotment). Pero ito, habulan tayo ng— buhay po ng bawat Pilipino ang nakataya rito,” idinagdag ni Go.

Sa Senate sessions nitong May 19 at 20, inisponsoran ni Go ang 15 local hospital bills na mag-eestabliosa, re-nationalize, o magpapalakas sa pamamagitan ng karagdagag bed capacity sa mga local hospitals sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Nandiyan na po ‘yung hospitals na approved. Nandiyan na po ‘yung bills na aprubado ng Lower House, nasa kamay natin dito sa Senado. Bakit pa natin papatagalin pa? Kawawa naman ang mga Pilipino,” ani Go.

“Dapat po tayong magkaisa para sa kapakanan ng mga Pilipino. Pinasa na po ito ng Lower House. Naghahanap tayo ng modular hospital. Ito po, pwede na tayong gumawa ng hospital. Pasado na po sa Lower House,” anang pa ng senador.

Inilarawan ni Go na sa kanyang karanasan sa mga pagbisita sa iba’t ibang lugar sa bansa ay nasaksihan niya ang masamang estado ng public healthcare sa maraming rehiyon.

“Huwag na po natin ipagkait sa Pilipino kung ano po ang para sa kanila ngayon. Kawawa po. Ako mismo, bumababa po ako. Alam ko po ‘yung sitwasyon,” sabi ng mambabatas.

Kaya naman mariin niyang hinihiling sa mga kapwa mambabatas na huwag isantabi ang karapatan ng bawat Filipino na magkaroon ng dekalidad na healthcare lalo ngayong pandemya, lalo ngayong ang mga panukala na tinalakay ay nakapasa na sa House of Representatives at nakabimbin sa Senado.

“In this crucial time, we need these facilities, we need these upgrades. The local government units are asking for assistance because they cannot take on these burdens. Paikut-ikot lang po ang usapan dito, Mr. President. Alam naman ng Pilipino ‘yan, paikut-ikot lang tayo dito. Sinasadya natin patagalin. Ibang usapan po ito ngayon,” sabi ni Go.

Sinabi ni Go na ang karagdagang hospital bed capacity sa maraming public hospitals ay naging hamon ngayong pandemya kaya napilitan ang mga kinauukulan na magtayo ng mga modular hospitals na pawang pansamantala lamang.

Sinabi niya na ang panukalang upgrades sa mga pampuiblikong pagamutan ay magiging instituonalized kapag naisabatas.

“Minadali natin ang pagtatayo ng modular hospitals. Pero pagkatapos ng pandemya, marahil mawawala na rin ang mga naitayong ito. Narito ang ang permanenteng solusyon sa problema. Aksyunan na natin,” ang paliwanag ni Go. (PFT Team)

The post ‘Now is the time to act’: Bong Go sa mga kapwa mambabatas, local hospital bills ‘wag patagalin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Now is the time to act’: Bong Go sa mga kapwa mambabatas, local hospital bills ‘wag patagalin ‘Now is the time to act’: Bong Go sa mga kapwa mambabatas, local hospital bills ‘wag patagalin Reviewed by misfitgympal on Mayo 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.