Facebook

NPA leader may P4m patong sa ulo, patay sa raid?

Patay ang dalawang katao kabilang ang mataas na lider ng mga rebelde sa Western Visayas nang manlaban sa mga otoridad sa isinagawang raid sa Providence Subdivision, Barangay Balabag, Pavia, Iloilo.

Isang Reynaldo Bocala, lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Western Visayas, mister ni Concha Araneta Bocala na secretary general ng Komiteng-Rehiyon Panay ang subject ng warrant of arrest.

Patay din ang kasamahan nito na nagngangalang Willie Arguilles.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gervacio Balmaceda, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 6, na most wanted sa rehiyon si Bocala na may patong-patong na kaso.

Kabilang dito ang murder, arson, robbery with serious physical injuries, at robbery in band with frustrated homicide and damage to property.

Narekober naman sa crime scene ang matataas na kalibre ng mga armas na pagmamay-ari ni Bocala.

The post NPA leader may P4m patong sa ulo, patay sa raid? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NPA leader may P4m patong sa ulo, patay sa raid? NPA leader may P4m patong sa ulo, patay sa raid? Reviewed by misfitgympal on Mayo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.