NASA P4.6 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) mula sa tatlong drug suspects sa anti-illegal drug operation sa Tarlac City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni PNP Chief, General Debold Sinas, ang tatlong inarestong drug personalities na sina Cornelio Chumil-ang, 33; Jomar Pallar, 24; at Marcelino Caraowa, 40 anyos, pawang residente ng Mountain Province.
Nakuha sa posisyon nila ang nasa 24 bricks ng marijuana, 26 rolled dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng P4.6 million at 2 bote ng cannabis oil na nagkakahalaga ng P30,000.
Sinabi ni Sinas na bukod sa Tarlac, nagbabagsak din ang grupo ng iligal na droga sa Pangasinan at Mountain Province.
Nakakulong sa Camp Gen. Francisco S. Macabulos sa Tarlac City ang mga nadakip. (Mark Obleada)
The post P4.6m marijuana nasabat sa Tarlac appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: