Facebook

Misis, ginawang ‘punching bag at sinaksak ni Mister

SUGATAN ang 40 anyos na ginang nang gawing “punching bag” at saksakin pa sa braso ng umano’y selosong mister sa Quezon City Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Marissa Laguardia, 40, kasambahay, residente ng No.127 Unit 3, Riverside, Brgy. Commonwealth, QC.
At ang nambugbog na mister kinilalang si Pedro Laguardia, 40, vendor at kapwa naninirahan sa No. 127 Unit 3, Riverside, Brgy. Commonwealth, QC.
Ayon sa report nina PSMS Mary Jane R Balbuena at PCpl Michelle Ram C Dela Paz, ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6, Women and Children Protection Desk, 9:30 ng gabi (May 1), nang maganap ang insidente sa Riverside Market, Brgy. Commonwealth.
Sa ulat, galing sa trabaho at pauwi na ang biktima sa kanilang tahanan ng biglang sumulpot sa kanyang likuran ang mister na armado ng patalim.
Nagulat na lamang umano ang misis ng bigla siyang suntukin sa mukha at tiyan ng mister at hindi pa nakuntento at inundayan pa ng saksak sa kaliwang braso ang biktima.
Agad namang naawat ang nagwawalang mister ng mga istambay sa palengke.
Kinabukasan (May 2) nagtungo ang biktima sa Batasan Police Station at inireklamo ang mister na agad naman dinakip nina PCpl Bryan Dave Garcia at PCpl Mark Christopher Adrigado.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 (Physical Abuse) ang mister ng biktima. (Boy Celario)

The post Misis, ginawang ‘punching bag at sinaksak ni Mister appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Misis, ginawang ‘punching bag at sinaksak ni Mister Misis, ginawang ‘punching bag at sinaksak ni Mister Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.