DALAWANG construction workers ang nalibing ng buhay sa tunnel sa isinasagawang treasure hunting nang gumuho at matabunan ng lupa sa Purok-1, Barangay Casalugan, Camarines Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Dante Bombita Cereno, 33 anyos; at Danilo Jerez Castilar, 40, kapwa residente ng naturang barangay.
Sa ulat, idineklarang dead-on-arrival ang mga biktima nang isugod sa Paracale Rural Health Unit.
Sa report, 5:00 ng hapon noong Biyernes, sa paniniwalang may nakatagong kayamanan ay lumusong sina Cereno at Castilar sa tunnel na may lalim na limang metro at naghukay.
Gayunman, habang naghuhukay ay biglang gumuho ang tunnel at nagkaroon ng landslide dahilan para ma-trap ang dalawa.
Mabilis na rumesponde ang MDRRMO-Paracale at mga opisyal ng barangay, at may ilang oras ding naghukay sa kinaroroonan ng mga biktima bago naiahon ang dalawa na agad isinugod sa pagamutan pero parehong hindi na umabot ng buhay.
The post 2 nabaon ng buhay sa treasure hunting appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: