Facebook

Paglaho ng mga pangalan ng social pensioners

NAG-IIYAKAN ngayon ang maraming senior citizens dahil hindi na nakakatanggap ng kanilang pension mula sa national government.

Ito ‘yung mga senior na dati nang nakakatanggap pero ngayon ay hindi na, bigla raw nawala ang kanilang pangalan sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Anyare?

‘Yung iba naman bumibilang ng dalawa hanggang tatlong taon bago makatanggap. Tapos kulang-kulang pa!

At ang iba ay kinamatayan na ang paghihintay ng natu-rang social pension.

Ano bang nangyari sa pension na ito ng mga senior, Mr. DSWD Sccretary Rolando Bautista, Sir!?

Tinatawagan natin ng pansin ang Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes:

Puede ba, Congressman Ordanes, galaw-galaw ka naman dyan, bossing! Paki-imbestigahan ang mga rekla-mong ito ng iyong sektor. Bakit biglang naglaho ang kanilang pangalan sa listahan ng DSWD?

***

Ang gobyerno ay naglalaan ng P23 billion kada taon simula 2019 para sa Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC).

Ang Social Pension para sa indigent seniors ay ipinatutupad ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang 18 field offices, sa pakikipag-partner sa local government units.

Ang LGUs ang magsusumite ng listahan ng indigent senior citizens sa DSWD field office base sa validation ng City/Municipal Social Welfare Development Office.

Ang senior citizens ay madedetermina bilang qualified indigents gamit ang criteria para sa social pension program: 60 anyos pataas; hindi tumatanggap ng pension mula sa SSS o GSIS; walang tinatanggap na tulong mula sa kanyang mga kamag-anak para suportahan ang kanilang basic needs; at sakitin o may disability.

Ang social pension ay P500 kada buwan, na maaring ibigay kada tatlong buwan.

Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa Republic Act 9994, Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Again, Rep. Ordanes, paki tulungan ang iyong sektor. Ikaw rin, eleksyon naman next year.

***

Sa gitna ng mainit na patutsadahan sa pagitan ng kampo at ni Pangulong Rody Duterte mismo at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio sa isyu ng pangangamkam ng China sa ating mga isla at bahura sa West Philippines Sea, wala manlang kongresista o senador ang nagtatangka na magpatawag ng inquiry tungkol sa isyu. Bakit kaya?

Sa ilalim ng Duterte administration, tila pag-aari na ng China ang mga isla at bahura na nasa mapa ng Pilipinas sa WPS.

Ito’y dahil narin sa mga naging pahayag ni Duterte na pinapayagan niya ang China na mangisda sa ating karagatan, at hindi niya kinikilala ang 2016 Hague ruling sa WPS na pag-aari ng Pilipinas ang mga isla at bahura na kinakamkam ng China ngayon.

Naging agresibo ang China na bakuran ang Julian Felipe Reef at ilang bahura sa Kalayaan waters matapos ianunsyo ni Secretary Harry Roque na malayo sa Pilipinas ang naturang bahura. Ma-kikita ngayon rito ang mahigit 200 Chinese militia vessels.

Lalo pang lumala ang sitwasyon nang pagsalitain ni Pangulong Duterte ang 97-anyos na dating Senate President Juan Ponce Enrile pabor sa China.

Si Enrile, noong panahon ni PNoy, ay inabiso niya kay Aquino na igiit ang karapatan ng Pilipinas sa WPS.

Dito kay Duterte, sinabi naman niyang hayaan nalang ang China sa WPS. Dahil wala namang magagawa ang Pilipinas laban sa China. Aray ko!

The post Paglaho ng mga pangalan ng social pensioners appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paglaho ng mga pangalan ng social pensioners Paglaho ng mga pangalan ng social pensioners Reviewed by misfitgympal on Mayo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.