TINANGGAL na ni Pampanga Archbishop Florentino Lavarias ang isa sa mga pari na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa base sa mga alegasyon na may karelasyon itong ginang.
Katuwiran ng opisyal ng Simbahan Katoliko, kailangan nilang gumawa ng hakbang habang iniimbestigahan ang alegasyon laban sa hindi na niya kinilalang pari.
“Given the sensitive nature of the matter and as a preliminary move, the archdiocese has resolved to remove the priest from his parish assignment,” nakasaad sa circular letter.
Sinabi pa ni Lavarias na maaring may karagdagang hakbang pa silang gagawin kapag may naihain nang pormal na reklamo.
Bago ito, naging viral sa social media ang pagkompronta ng isang galit na galit na lalaki sa isang pari dahil sa sinasabing pakikipagrelasyon sa kanyang misis.
Pagtitiyak ni Lavarias, gagawin nila ang lahat para mailabas ang katotohanan. (Andi Garcia)
The post Pari na may kabit sinibak sa parokya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: