KULONG ang isang 50-anyos na ginang sa pagnanakaw sa Ermita, Maynila.
Isang aplikante na OFW ang humingi ng tulong sa Ermita Police nang tangayin ng ginang na residente ng lungsod ng Dasmariñas, Cavite ang kaniyang bag na naglalaman ng cellphone, wallet, at wedding ring.
Nagkakilala ang dalawa nitong Miyerkoles at nagkasama pa sa isang kainan sa UN Avenue.
Nakunan pa ng CCTV ang biktima na hawak ang kaniyang pulang bag habang nagbabayad at bitbit din ng ginang ang kaniyang itim na bag.
Pero paglabas sa kainan, dala narin ng ginang ang bag ng kasama.
Sa followup operation ng Bocobo PCP, inaresto ang ginang nang muling namataan sa isang medical clinic sa lugar.
Ayon kay Police Lt Colonel Evangeline Cayaban, Ermita Police commander, modus operandi ng ginang ang magpanggap na aplikante rin para makuha ang loob ng bibiktimahin.
Lumalabas din sa imbestigasyon na 2007 pa ito ginagawa ng ginang at labas-masok na ito sa kulungan.
Wala nang naibalik sa gamit ng biktima at nakumpirma rin sa kaniyang bangko na na-withdraw narin ang kaniyang P50,000.
Kakasuhan ang ginang ng theft.
The post Ginang nambudol ng OFW, timbog appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: