LABING-ANIM na lalaki ang nai-record ng Naga City Social Hygiene Clinic na tinamaan o nagkaroon ng Gonorrhea, isa sa mga resulta ng sexually transmitted bacterium o impeksyong nahahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Inihayag ni Grace Guevarra, Medical Technologist ng Social Hygiene Clinic, 90% sa mga nagpatingin sa klinika ang tinamaan nito ngayon 2021, kungsaan ang 16 ang kumpirmado.
Pagpupunto pa ni Guevarra, dapat magamot ito dahil nagreresulta sa hirap sa pag-ihi at pagnana ng pribadong parte ng lalaki. Importante rin ang tamang gamot upang maiwasan ang pabalik-balik na impeksyon upang hindi na makahawa.
Noong 2020, may 107 lalaking residente ng Naga at Camarines Sur ang nagsailalim sa pagsusuri, 64 ang positibo.
Hhindi lamang lalaki ang nagkakaroon ng Gonorrhea o tulo, maging babae ay tinatamaan din, subalit 90% walang sintomas, gayunpaman delikado parin itong makahawa.
The post 16 lalaki nagka-’tulo’ sa Naga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: