Facebook

Pekeng Pulis Kernel timbog sa checkpoint

ARESTADO ang isang lalaking nagpanggap na pulis nang dumaan ito sa checkpoint sa Subic.
Kinilala ang naaresto na si Medel Dela Cruz, 43 anyos, driver/security at residente ng Olongapo City.
Ayon kay Provincial Director Police Col. Romano Cardiño, 9:40 ng umaga nitong Martes habang nagmamando sa checkpoint ang tropa ng 2nd PMFC, pinara ng mga ito ang isang Toyota Innova para sana sa beripikasyon.
Nagpakilala umanong Lieutenant Col. Del Cruz ang suspek mula PNP Pulilan, pero nang hingian ng dokumento at ID ng pagkakakilanlan bilang pulis ay wala itong maipakita.
Biglang pinaharurot ni Dela Cruz ang sasakyan hanggang makarating at masakote ito ng Cabangan PNP sa national highway ng Bgy. Dolores.
Nakuha kay Dela Cruz ang para ordinance caliber 45, may magazine at loaded ng anim na bala, isang posas at isang olive green t-shirt na may markang ‘police’.
Mahaharap si Dela Cruz sa kasong Usurpation Of Authority, Unauthorized Use Of Police Uniform at Illegal Possession Of Firearms.

The post Pekeng Pulis Kernel timbog sa checkpoint appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng Pulis Kernel timbog sa checkpoint Pekeng Pulis Kernel timbog sa checkpoint Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.