Facebook

PGH nilamon ng apoy!

NABULABOG ang mga doktor at pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila dahil sa pagsiklab ng sunog sa ospital nitong Linggo ng madaling-araw.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nagmula ang sunog sa third floor ng gusali na umabot sa first alarm 12:41 ng madaling araw.
Base sa mga video at larawan sa social media, makikita na ilang pasyente at doktor ang dali-daling lumalabas ng ospital.
Itinaas sa second fire alarm ng sunog 12:58 ng umaga.
Sa isang social media post, sinabi ni Senador Richard Gordon na tumulong narin ang Philippine Red Cross sa pag-apula sa sunog na itinaas sa ikatlong alarma 2:20 ng umaga.
Idineklarang under control ang sunog 2:46 ng umaga.
Ang PGH ang pinakamalaking Covid-19 referral hospital sa bansa.
Sa pagsiklab ng sunog ay maagap na inilikas ang mga pasyente maging ang mga sanggol habang inaapula ang apoy.
Walang iniulat na nasaktan sa sunog.
Samantala, hindi muna tatanggap ng admission ang PGH at sarado rin ang emergency room (ER) simula nitong Linggo.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog sa healthcare building. (Jocelyn Domenden)

The post PGH nilamon ng apoy! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PGH nilamon ng apoy! PGH nilamon ng apoy! Reviewed by misfitgympal on Mayo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.