ISA ang patay, 3 pulis ang sugatan at 15 ang arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya at militar sa Lanao Del Sur.
Kinilala ang napatay na si Kareem Usop Abedin.
Naaresto naman sina Ansano Salic Ampuan alyas Ans; Amrudin Dimaukom Sarid alyas Macky; Aminudin Saripad Ditukalan alyas Amin; Samsudin Itao alyas Mansok; Lbot Sarif Dimaampao alyas Naim; Liya Sarif Dimaampao alyas Liya; Jerry Paco Toma alyas Hadji Imran; Gorbani Bitucalan; Jomar Pagayawan; Samen Abdillah; Alioden Buale; Bokari Dagu; Asrap Dimampa; Jasser Dumaraya Baguan; at Jomar Abdul.
Samantala, sugatan ang tatlong pulis na agad dinala sa pagamutan.
Ayon kay Lt General Corleto Vinluan Jr, Western Mindanao Commander, isinagawa ang magkakasunod na operasyon ng pinagsanib na mga elemento ng militar at Philippine National Police sa Sitio Kanatura, Barangay Miculabo, Picong, Lanao Del Sur.
Isinagawa ang operasyon base sa search warrant laban kina Karrem Usop Abedin, Camar Mauyag at Emen Parte na pawang miyembro ng Armed Lawless Group (ALG) na nag-o-operate sa Lanao del Sur.
Ang mga nadakip ay nasa kustodiya ngayon ng PDEA-BARMM at CIDG BARMM. (Mark Obleada)
The post 1 patay, 3 pulis sugatan, 8 huli sa police ops sa Lanao appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: