Tagkawayan, Quezon- Nasawi ang magkaangkas sa motorskilo nang mabangga ng kasalubong na Elf Truck nitong Linggo ng umaga sa Barangay Payapa dito sa bayan.
Kinilala ang mga nasawi na sina John Paul Anog, 18 anyos; at Noriel De Torres, 20, kapwa residente ng Barangay Mansilay dito sa bayan.
Ang driver ng nakabanggang truck ay nakilalang na si Vergilio Autida, 43, ng Bgy. Vinas, Calauag.
Sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang makasalubong nila ang truck sa tinatahak nilang lane dahilan para masalpok sila.
Nakakulong ang truck driver sa Tagkawayan Municipal Police Station na nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homecide atDamage to Private Property. (Koi Laura)
The post Motor inararo ng truck: 2 patay sa Quezon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: