SI Cris Nievarez ang naging pang walong Filipino na kwalipikado sa 2021 Tokyo Olympics matapos kumpirmahin ng organizers ang kanyang qualification sa men’s singles sculls.Inanunsyo ng Philippine Rowing Association sa social media kahapon, kung saan ang 21-year-old Atimonan, Quezon native ay makakasama sina pole vaulter EJ Obiena, world champion gymnast Carlos Yulo, 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, at boxers Eumir Marcial,Carlo Paalam,Nesty Petecio at Irish Magno.
Nievares, na sumali sa national team noong 2016 sa edad na 15 years old, ay nagtapos ninth place sa kanyang event sa Asia Oceania Continental Qualification nakaraang Linggo sa Tokyo, Japan, kung saan tanging top five rowers lang ang makakuha ng tickets.
Ang qualification ni Nievarez ang tumapos sa dalawang dekadang tuyot sa Olympics ang Philippine rowing, huling rower na nakapasok sa Games ay si Benjie Tolentino sa 2000 Sydney edition.
“Sobrang saya ko po, hindi ko maipaliwanag. Nagulat din po ako,” Wika ni Nievarez, na nalaman ang kanyang qualification habang nasa 14-day quarantine matapos dumating mula Japan kamakailan.
Umaasa ang Grade 12 student ng Commonwealth High School, Nievarez na ilagay ang bansa sa Olympic map sa kanyang debut appeatance.
PH team coach Ed Maerina,ang unang rower ng bansa na pumasa sa Olympics sa 1988 Seoul, ay nangakung ipagpatuloy ang training ni Nievarez sa Lamesa Dam sa Quezon City kapag natapos ang kanilang quarantine.
Hinihintay rin nila ang pagdating ng kanilang Uzbek coach Shukrat Ganiev ng dalawang Linggo para tulungan sila sa kanilang preparasyon.
PSC chairman Butch Ramirez at POC president Bambol Tolentino ay suportado rin si Nievarez.
The post PH rower Cris Nievarez pasok sa Tokyo Olympics appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: