Facebook

Puro bola pero no balls!

KUNG basketball player siya ay panay dribol at yabang lang nguni’t takot bumuslo. Kaso wala naman puntos ang dribbling.

Baka daw kasi masupalpal. Ayaw mapahiya kung magmintis. Duwag masisi at matalo. Gusto ay pinapalakpakan sa mga walang kwentang galaw o yung walang bearing sa game.

Kapag naipit ay saka ipasa sa isang mahina naman sa shooting. Ang hina ng diskarte sa loob.

Libre na sa ilalim ibabato pa sa labas.Ang hilig pang mang-asar ng mga katunggali. Bastos kaya madaming technical na natatanggap.

Minsan may hinamon na kalaban. Aba’y umatras. Nateope ang ungas.

Ganyan yung isang mataas na opisyal na puro bola lang pinagsasabi. Nguni’t wala naman halos natupad sa mga pangako. Nanloloko lang pala simula umpisa. 3 to 6 months? Only the best and the brightest? Mag-jetski sa WPS?

Malaking kalokohan. Bolero to the max. Traydor to the highest degree.

Kailan lang may tsinallenge na kritiko, nang tinanggap, umurong ang tumbong.

Overtime na ang mga spinmaster at mga paid troll. Kailangan depensahan kahit magsinungaling pa more.

Ang problema maraming nabudol-budol noon. Ngayon may mga nagising na sa mahimbing na pagkakatulog.

Natapik na ng kanilang guardian angel. Masama mismo ang personal na karanasan ng iba pa sa gobyerno. Lantaran na kasi ang panggagago.

Tingnan natin kung may sapat na bilang upang mabaligtad ating mundo sa 2022.

***

Maging mapanuri po tayo sa isang sportsman-politician na ngayon ay bumabanat na sa administrasyon kahit na kapartido siya.

Noon tahimik o ipinagtatanggol pa ang lider ng kanyang lapian sa mga maling polisiya at lantarang pang-aabuso.

Nagpagamit pa ang sikat na atleta sa mga nasa kapangyarihan upang busalan ang oposisyon.

363 na araw na lang ay halalan na at may ambisyon na manirahan sa may Pasig River kaya nagpaparamdam na sa mga botante. Kilos trapo na. Sayang ka bata.

***

Kung sa NBA ay isa sa una nagka-COVID ay si Rudy Gobert ng Utah, sa PBA naman ay si Ian Sangalang ng Magnolia.

Ngayon ang nagkwento ng kanyang karanasan sa China veerus ay si Joe Devance ng Ginebra.

Hirap na hirap daw siya at akala niya katapusan na niya.

“”Last night was rough. I didn’t think I was going to make it out alive. I even sent a message to my wife cause I thought I was gonna die,” wika ng Fil-Am ng Gin Kings. Ingat po tayo!

The post Puro bola pero no balls! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Puro bola pero no balls! Puro bola pero no balls! Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.