Facebook

Manila COVID-19 Field Hospital, 60% complete na — Isko

ANG Manila COVID-19 Field Hospital ay 60 percent complete na. Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing ang pagamutan na itinatayo sa Burnham Green area ng Luneta Park ay right on target.

Si Moreno kasama sina City Engineer Armand Andres, City Architect Pepito Balmoris at City Electrician Randy Sadac, ay nag-inspection nitong Lunes, Mayo 10 sa lugar na pinagtatayuan ng ospital at inalam ang progreso ng kabuuan nito.

Natuwa naman si Moreno sa kanyang nasaksihan at tiniyak sa mga residente ng Maynila na matatapos sa itinakdang 60-day target ang field hospital at magiging bukas na ito para sa lahat ng mga tinamaan ng sakit na coronavirus disease.

Ayon kay Moreno ay iniulat sa kanya ni Engr. Andres na ang 24/7 construction ng field hospital ay nasa ikatlong linggo na at 60 percent complete.

Tiniyak din ni Andres sa alkalde na matatapos ang pagamutan sa targeted 60-day construction o maaaring mas maaga pa.

Gaya ng plano, ang field hospital kapag natapos na ay magsisilbi sa mga COVID-19 na mild at moderate cases upang mapaluwag ang six city-run hospitals at makapagpokus sa mga pasyenteng critical o severe condition na.

Ang mga asymptomatic naman ay dadalhin sa mga quarantine facilities upang i-isolate sila sa kanilang mga kasama sa bahay at upang hindi magkahawahan sa kanilang pamilya.

Ang ikapitong pagamutan ng lungsod ay resulta ng brainstorming nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna na isa ring doktor at mga government hospital authorities.

Ang pagamutan ay may lawak na 2.6-hectare lot at magtataglay ng 336 COVID beds sa kabuuan. Ito ay mula sa mga containers na ginawang hospital areas. Ito ay matatagpuan sa harap ng Quirino Grandstand malapit sa lugar kung saan naroon ang free drive-thru swabbing center ng lungsod.

Labis na ikinalungkot ng alkalde ang ulat na may mga pasyenteng namamatay na lang sa tents at sa parking lot dahil sa punuan ang mga ospital dala ng surge ng coronavirus cases kamakailan.

Dahil dito ay nakipagpulong si Moreno at Lacuna sa mga opisyal ng lungsod upang matugunan ang inaasahan pang surge ng coronavirus cases sa mga buwan pang darating at nangakong bago mangyari ito ay tapos na ang field hospital at kumpleto na ito sa gamit.

Idinagdag pa ng alkalde na ang field hospital ay kumpleto ng ambulansya na may mahahalagang gamit at medical frontliners bilang pagsisiguro dahil ang moderate symptoms ay maaari ding mauwi sa severe cases.

Samantala ay inanunsyo ni Moreno na tatanggap na ang may 8,700 city employees ng kanilang mid-year bonus sa Mayo 18. Ito ay mula sa allocation ng lungsod na P350 million.

Sinabi pa ng alkalde na ang 700,000 pamilya sa lungsod ay tatanggap na muli ng kanilang food boxes sa isang linggo bilang bahagi ng food security program (FSP) ng lungsod. (ANDI GARCIA)

The post Manila COVID-19 Field Hospital, 60% complete na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila COVID-19 Field Hospital, 60% complete na — Isko Manila COVID-19 Field Hospital, 60% complete na — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.