Facebook

Phil. Navy palalakasin ang maritime force sa Palawan

PALALAKASIN pa ng Philippine Navy ang kanilang maritime force sa Palawan para maprotektahan ang interest ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Rear Admiral Alberto Carlos, commander ng Philippine Fleet, ongoing pa rin hanggang sa ngayon ang pagbili ng marami pang assets sa ilalim ng Revised Armed Force of the Philippines Modernization Program (RAFPMP) “Horizon” 2 para mapalitan na ang mga luma at decommissioned na “legacy” ships ng mas modernong mga barko.
Matatandaan na ang pinaka-latest na binili ng Philippine Navy sa ilalim ng AFP modernization program nito ay dalawang missile-capable frigates na BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna na na-commission noong Hulyo 2020 at Marso 2021.
Noong Marso 1, apat na legacy ships ang pinagretiro na ng Navy.
Ang mga ito ay ang fast attack craft BRP Salvador Abcede (PC-114) at BRP Emilio Liwanag (PC-118), at corvettes BRP Quezon (PS-70) at BRP Pangasinan (PS-31).
Ang mga fast attack craft na ito ay na-commission ng Philippine Navy noon pang 1006 at 2011 habang ang mga corvettes ay naging bahagi naman ng offshore combat force noong 1948 at 1967. (Mark Obleada)

The post Phil. Navy palalakasin ang maritime force sa Palawan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Phil. Navy palalakasin ang maritime force sa Palawan Phil. Navy palalakasin ang maritime force sa Palawan Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.