TINULDUKAN na ng Korte Suprema ang oral arguments sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 at hindi nagpalabas ng anumang temporary restraining order laban sa batas kahit mayroong 37 petitions.
Hindi na itinuloy ng Korte Suprema ang personal na imbitasyon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at sa halip ay sagutin na lamang sa pamamagitan ng sulat ang mga tanong ng mga justices.
Nagkaroon din ng en banc session ang Supreme Court matapos na maghain ang mga petitioners ng omnibus motion na hinihikayat ang tribunal na tanggalin sa kanilang record ang oral statements at video presentation ni Esperon noong Mayo 12 kung saan na-red tagged ang ilang progresibong grupo kabilang ang mga petitioners.
Nilinaw ng mga petitioners na ang video presentation ni Esperon ay hindi authenticated.
Pinagpapaliwanag din ng en banc ang petitioner at counsel na si Atty. Theodore Te dahil sa Tweet nito tungkol sa pagpayag ng korte sa video presentation kahit walang authenticity.
Matapos ang ilang araw ay binura din ni Atty. Te ang tweet at ngayon ay pinagpapaliwanag na siya ng SC en banc kung saan sinabihan ang mga petitioners na iwasang talakayin ang mga merits ng kaso sa publiko. (Josephine Patricio)
The post Oral argument ng Anti-Terror Act tinapos na ng SC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: