Facebook

Sen. Go, inilunsad ang ika-112 Malasakit Center sa Mariveles, Bataan

TINIYAK ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go na tuloy ang pagbibigay ng pondo ng gobyerno sa mga Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahit hindi na si Pangulong Rodrigo Duterte ang Pangulo ng bansa.

Ipinaliwanag ni Go na ito ay dahil isa nang ganap na batas ang Malasakit Center para masiguro ang tulong sa mga kababayang walang perang pampagamot sa ospital.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Go sa pagpapasinaya ng ika-112 na Malasakit Center sa bansa sa Mariveles, Bataan.

Kaugnay nito ay umaasa si Go na itutuloy ng susunod na administrasyon ang magandang adhikain ng Malasakit Center para hindi na magpalaboy-laboy pa sa kalsada ang mga gustong humingi ng tulong dahil magkakasama na sa iisang tanggapan ang mga kinatawan ng DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO na tumutulong.

Muli rin hinimok ni Go ang mga kababayan na huwag mag-atubiling lumapit sa mga Malasakit Center dahil ito naman ay nabuo para sa kanila. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go, inilunsad ang ika-112 Malasakit Center sa Mariveles, Bataan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go, inilunsad ang ika-112 Malasakit Center sa Mariveles, Bataan Sen. Go, inilunsad ang ika-112 Malasakit Center sa Mariveles, Bataan Reviewed by misfitgympal on Mayo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.