ANG FACEMASK ay sagisag ng PROTEKSIYON.., na ang isang uri nito ay pananggalang upang maikubli ang mga mala-SATANAS na adhikain tulad ng mga magnanakaw, bank robbbers o mga masasamang loob at ang isang uri naman ng FACEMASK ay sumasagisag sa KABUTIHAN tulad ng mga doktor na kailangang nakasuot ng FACEMASK na tatakip sa bibig at ilong upang huwag mahawa kung ano mang sakit ang taglay ng taong kanilang inooperahan o ginagamot para sa pagsasalba ng buhay.
Kaya ngayong COVID-19 PANDEMIC ay mahalaga ang pagsusuot ng FACEMASK para maisanggalang tayo sa mga nakamamatay na virus.., pero ang dapat matanggalan ng FACEMASK ay ang mga nagsasagawa ng DEVIL WORKS na nagsasamantala ngayon sa paraang ipinag-nenegosyo ang panahon ng pandemya.., may mga KUMITA o YUMAMAN sa ngalan ng pandemyang nagpalugmok sa pangkabuhayan ng nakararaming masa at ito ang dapat busisiin ng mga namamalaging suot ang MASKARANG KABUTIHAN sa mga pinagpipitaganang GOVERNMENT OFFICIALS upang maisalba ang buhay ng mga nasadlak sa komunoy ng paghihirap.
Hindi ako nag-aral ng kursong medisina subalit madali akong umintinde na ang sitwasyon sa isinasagawang pagbabakuna saan mang panig ng mundo sa ngayon ay pawang testing o sinusubukan pa lamang kaya mismong mga MEDICAL EXPERT ang nagdeklarang HUMAN TRIALS pa lamang ngayon upang malaman kung ano-anong bakuna ang epektibong pananggalang ng tao laban sa COVID-19.
Mismong mga DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) OFFICIALS ang nagsasabing sa ngayon ay magkaka-covid pa rin ang mga nabakunahan.., kaya ang payo ng mga DOH OFFICIAL sa pangunguna ni HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III na pinakamabisa pa rin ang pagsusuot ng FACEMASK at ang pag-iwas sa kumpulan o maraming mga taong nagsisiksikan sa mga pampublikong lugar.
Sa ngayon, kahit nagdadatingan na ang mga inorder na COVID VACCINES mula sa ibang mga bansa ay labis namang pinangangambahan sa ngayon na maaring masayang ang mga bakuna dahil marami pa ring umaayaw na magpabakuna.., yan ay dahil nga naiintindihan ng mga pangkaraniwang tao na HUMAN TRIALS pa lamang ang mga bakuna at wala pa ni isa sa mga ito ang maidedeklara ng MEDICAL EXPERTS na PROVEN SAFE dahil matagal-tagal pa ang gagawing pag-oobserba sa mga dapat makita ng mga dalubhasa para sa kanilang magiging CONCLUSION.
Ika nga, ang mga nagpabakuna ay “TSAMBAHAN” kung ano ang magiging resulta sa kanilang katawan…, maaaring maganda ang epekto na ito naman ang hinahangad ng lahat.., pero marami rin ang mga minamalas at maagang kamatayan ang sinasapit.
May mga namamatay matapos maturukan ng bakuna pero depensa ng MEDICAL EXPERTS ay walang patunay na ang COVID VACCINES ang ikinamatay.., siyempre, hinde puwedeng aminin ng mga EXPERT na ang bakuna ang naging sanhi ng pagkamatay sa sinumang nabakunahan dahil siguradong wala nang magpapabakuna pa at masasayang ang mga inorder na VACCINES.
Isa pang nakababahala ay ang sabwatan ng mga malalaking NEGOSYANTE at ng SOCIAL MEDIA para itago o ilihim ang mga negatibong epekto sa ginagawa ngayong HUMAN EXPERIMENTATIONS.., patunay nito ay wala kang makikitang post o kung mayroon mang post ay halos ilang minuto lang burado agad kapag ang post ay makasisira sa imahe ng bakuna gayong ang mga post na anti-government o pornograpiya ay hinde binubura sa social media sites.., kaya MALAKING PANDARAYA ang umiiral ngayong panahon ng PANDEMIC.., na higit ngayong kinakailangan ang matalinong pagpapasiya natin sa kung ano ang dapat paniwalaan para maproteksiyunan ang ating mga sarili.
Ang ARYA ay hinde anti-vaccines…, proteksiyon sa kalusugan ang mga bakuna pero ang terminong HUMAN TRIALS e napakadaling intindehin na sinusubukan o inieksperimento pa lamang.., kaya nasa tao ang desisyon kung papayag ba na maging EXPERIMENTAL OBJECT ang kanilang katawan o kalusugan., dahil ang mga tumatanggi ngayon ay magpapabakuna rin sila sa oras na matapos ang TRIAL PERIOD at maideklara kung ano-ano ang mga PROVEN VACCINES.
Kaya naman habang hinde pa natatapos ang ginagawang HUMAN TRIALS ay pinakamabisang ipairal ng GOVERNMENT OFFICIALS ang istriktong pagsusuot ng FACEMASK at SOCIAL DISTANCING sa mga pampublikong lugar upang hinde makalanghap ang sinuman ng VIRUS DROPLETS.., at ipag-PRAY ang mga nabakunahan na wala na sanang dadanas pa ng ADVERSE EFFECT hanggang sa mga susunod na taon!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Proteksiyon sa virus… facemask! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: