Facebook

Quizon nangunguna sa Asian zonal chess

PINANGUNAHAN ni International Master Daniel Quizon ang Filipino entries ntong Lunes (Mayo 3, 2021) matapos talunin ang lowly-rated opponents sa third round ng online Zone 3.3 Zonal Chess Championships 2021 sa Tornelo platform.
Giniba ng Dasmariñas City, Cavite bet Quizon si Fide Master Pitra Andyka ng Indonesia para samahan sa ituktok ng liderato si International Master Mohamad Ervan ng Indonesia na may tig perfect 3 points.
Ang 13th-seed Quizon ay winasiwas si No. 18 Andyka sa 65 moves ng Sicilian defense.
Pinadapa naman ni Ervan si National Master Michael Gotel ng Bulacan sa 47 moves ng Slav defense.
Sa fourth round ay magtutuos sina Quizon at Ervan para sa solo leadership board.
Nakipagkasundo naman sa draw ang isa pang Filipino entry International Master Michael Concio Jr. kontra kay International Master Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia sa 17 moves ng Sicilian defense tungo sa four-way tie sa second kasama sina Taher, Fide Master Jagadeesh Siddharth ng Singapore at Fide Master Lik Zang Lye ng Malaysia na may 2.5 points.
Tabla din si lone Filipino Grandmaster Darwin Laylo sa kababayang si International Master John Marvin Miciano sa 31 moves ng Petroff defense para manguna sa huge group ng 2 pointers.
Ayon kay International Arbiter Casto “Toti” Abundo ng World Chess Federationang top 2 finishers ay uusad sa World Cup sa Agosto sa Minsk, Russia.
May fifty-two players mula sa anim na bansa ang nakilahok sa event na may prize fund $1,500 (about P75,000) ayon kay NCFP Senior Deputy Speaker Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr.

The post Quizon nangunguna sa Asian zonal chess appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Quizon nangunguna sa Asian zonal chess Quizon nangunguna sa Asian zonal chess Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.