Facebook

AYUDA BILL NI REP. APC & CO.PATOK SA MASA

PAUNA pa lang ito ni public servant / sportsman Taguig Congressman Alan Peter Cayetano ng kanilang ’10k ayuda bill’ para aa pamilyang Pilipino na apktado ng magkakasunod na community quarantine sa Kamaynilaan at karatig- probinsya maging sa malalayong probinsya sa Luzon , Visayas at Mindanao.

Noong nakaraang May 1 Labor day ay daan- daang manggagawa na nahirapan sa epekto ng krisis- covid mula sa 13 siyudad at probinsiya sa bansa ang nabiyayaan ng 10k ayuda kortesiya nina dating Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Kongreso.

Ang naturang pagkalinga ay bahagi ng inihain kamakailan ni Cayetano at ilan pang Kongresista na panukalang naglalayong magbigay ng panibagong ayuda sa mga pamilyang Pilipino. Nagpasiya na silang mag-abot ng tulong kamakailan sa halos apatnapung pamilya sa Quezon City, Imus at Kawit Cavite, Pasig at Caloocan na talagang nangangailangan.

Mismong sa araw ng mga manggagawa,dahil naging inspirasyon ng kanilang grupo ang magagandang kwento ng mga benepisyaryo sa naunang apat na lugar kaya naglunsad sila ng mas malaki at malawak na proyektong Bayanihan na tinawag nilang “Sampung Libong Pag-asa” .

Marami sa mga taong kanilang natulungan ay mula sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Laguna, Rizal at Ormoc City.

Ang pagkalingang ito ay inorganisa nina Cayetano, kanyang maybahay na si Taguig City 2nd District Rep Ma. Laarni Cayetano at ilan pang kongresista na sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte Jr. Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Anakalusugan Party-List Representative Mike Defensor at Bulacan 1st District Rep. Antonio Sy-Alvarado.

Optimistiko ang kanilang grupo na kung matatalakay agad at maipapasa ang kanilang bill na pinamagatang “Bangon Pamilyang Pilipino Act” o mas kilala sa tawag na 10k Ayuda bill. milyon -milyong Pilipino ang mas makikinabang habang hindi pa nakukumpleto ang pagbabakuna sa Pilipinas.

Sa panahong ito ng krisis sa ating bayan, tunay na napapanahon ang anumang klaseng tulong ang maipaparating sa mamamayang Pilipino anumang kulay, paksiyon o relihiyon ang kinabibilangan.We will win as one against pandemic and live as one after in prosperity.

Magugunitang si dating Speaker Alan Peter Cayetano na namuno sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ( PHISGOC) ang naging instrumental sa tagumpay na hosting at pagiging overall champion ng Pilipinas noong 30th SEAGames Philippines 2019 sa patok na temang WIN AS ONE!

Lowcut: “WELCOME to M24 “Builders of Guardians” Maharlika Canada-USA-Manila Sis Jolie Jing (JULIET CUSTODIO) of Zamboanga City- graduate of BS in Business Administration Major in Human Resource Management Development. She is also currently the President of Tiger Ladies Association who helps people with kidney problems. Sis Jolie Jing is our new honorary member from now. She is a friend and familiar with the Guardians Brotherhood.Let us all welcome Sis Jolie Jing! “,Bro Dr CHITO COLLANTES-M-24 Founder/Organizer M24B1024.

The post AYUDA BILL NI REP. APC & CO.PATOK SA MASA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
AYUDA BILL NI REP. APC & CO.PATOK SA MASA AYUDA BILL NI REP. APC & CO.PATOK SA MASA Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.