Facebook

Resto nag-organisa ng community pantry na ala-grocery sa Rizal

MALA-GROCERY ang isang community pantry na inorganisa ng isang restaurant sa Taytay, Rizal.
Bukod dito, may points sytem at vouchers din silang pinamimigay sa mga tao para maging maayos at sistematiko ang pamamahagi at pagkuha.
Pinusuan ito ng netizens dahil sa magandang ideya nito.
Makikita ang mga larawan ng RBA Restaurant sa Facebook post ng netizen na si Mike Yulo. Mala-grocery o supermarket ang dating nito, nasusunod ang social distancing at maraming mapamimilian ang mga taong kukuha rito.
“Sharing some images and videos from the community pantry project at RBA Restaurant of Madame Kimmy supported by majority of iFERN Luxury Car Club members and Presidential Directors. It is now on day 3, and have helped more than 500 families already,” aniya.
Kaya raw may point system ay upang maipakita ang ‘dignity to choose’ ng mga tao: upang maipakita talaga ang tagline na: ‘Kumuha batay sa pangangailangan’.
Dagdag pa niya: “Hindi lang bad news ang nagte-trending, #kindness and #generosity din! Let’s make this blow up!”
Umani naman ito ng magagandang reaksyon at komento mula sa netizens.

The post Resto nag-organisa ng community pantry na ala-grocery sa Rizal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Resto nag-organisa ng community pantry na ala-grocery sa Rizal Resto nag-organisa ng community pantry na ala-grocery sa Rizal Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.