Batangas City – Aksidenteng binawian ng buhay ang isang sabungero nang matusok ng mga sanga ng kawayan sa tiyan habang tumatakas nang salakayin ng pulisya ang “tupada” o iligal na sabong sa Barangay Soro-Soro Ilaya, dito sa lungsod Sabado ang tanghali.
Kinilala ang nasawi na si Romulo Guerra, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay.
Arestado naman sa raid sina Michael Montenegro, Elmer Enrico, Roniel Deloso, Edmund Untalan, Renel Belen, Larry Carerra, Lito Barte, Ryan Veedor, Isagani Paz, John Rommel Soriano, Leo Mark Untalan, at Michael Gonzales.
Nakuha sa tupadahan ang pitong manok panabong, 2 tari at P10,120.00 na pera.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nagsagawa ng raid ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, Batangas Criminal Investigation and Detection Team at Batangas City Police sa pamumuno ni Lt. Colonel Gerry Laylo matapos makatanggap ng tips na may nagaganap na sabong sa Bgy. Soro Soro Ilaya. Pagdating ng mga pulis ay nagtakbohan ang mga sabungero at isa ang biktima na pumasok sa masukal na kawayanan kungsaan natusok ito ng sanga ng kawayan sa tiyan.
Dinala pa ang biktima sa Batangas City Medical Center subalit idineklarang dead on arrival (DOA).
Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449, Illegal Cockfighting, ang mga nadakip na 12 sabungero.
The post Sabungero tumakas sa raid sa tupada patay sa tusok ng kawayan sa dibdib appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: