Facebook

‘Di nakabayad ng upa ng bahay, mister sinamurai sa harap ng mag-ina

PATAY ang 22-anyos na mister nang tarakan ng samurai sa dibdib ng 63-anyos na lalaki nang mabigo makapagbayad ng renta sa tinutuluyan nitong bahay sa Barangay Putlod, Nueva Ecija, Biyernes ng gabi.
Dead-on-arrival sa San Antonio District Hospital si Joseph San Jose, gas station pump attendant.
Naaresto naman ang mag-amang salarin na sina Diosdado De Luna, 63, may-asawa; at anak nitong si Teofilo, 24, construction worker ng nasabing lugar.
Ayon sa live-in partner ng biktima na si Angelica Evangelista, 8:00 ng gabi ng Biyernes nasa mesa na silang mag-asawa at kanilang anak na babaeng 3-anyos at maghahapunan na sana nang dumating ang mag-amang De Luna, kasama ang isa pang hindi nakilalang lalaki.
May dala umanong samurai o bolo ang nakatatandang de Luna, habang ang anak naman nito ay may hawak na kutsilyo.
Sa tingin ni Angelica ay mukhang ‘galit na galit’ ang mag-ama nang singilin ni Diosdado ang kanyang mister.
Ngunit dahil sa hindi pa sumasahod ang kanyang mister ay hindi ito nakapagbigay ng kanilang renta na nagresulta sa biglaang pagtarak ng dalang samurai ni Diosdado sa dibdib ng biktima.

The post ‘Di nakabayad ng upa ng bahay, mister sinamurai sa harap ng mag-ina appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Di nakabayad ng upa ng bahay, mister sinamurai sa harap ng mag-ina ‘Di nakabayad ng upa ng bahay, mister sinamurai sa harap ng mag-ina Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.