ANIM na mga kriminal at wanted sa batas ang napaslang habang 27 ang naaresto na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng 47 loose firearms at tatlong eksplosibo sa loob ng limang araw na pinaigting na anti-criminality campaign sa Bicol Region.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, General Debold Sinas, na pinapurihan ang matagumpay na operasyon ng Police Regional Office (PRO) V mula Abril 25-30 ng taon.
Base sa report ng bagong talagang PRO V Director, Brig. Gen. Jonnel Estomo, kabilang sa mga isinagawang operasyon ang pagkakapatay kay Mario Quite Sandrino, miyembro ng notoryos na Concepcion gang, sa shootout nang manlaban sa search warrantsa Barangay San Miguel, Bato, Catanduanes noong Abril 25 alas 2:25 ng madaling araw.
Nakumpiska sa lugar ang dalawang cal. 38 pistols na walang trademark at tinanggalan din ng serial number.
Sa nasabi ring araw ay sumunod na napatay si Brgy. Kagawad Froilan Oaferina III sa shootout sa Bgy. Tambo, Buhi, Camarines Sur 6:59 ng gabi.
Noong Abril 26 alas-5:00 ng umaga napatay rin sa engkuwentro si Marlon Collantes, miyembro ng ‘Sangay ng Partido sa Lokalidad’ sa Brgy. Payatan, Goa, Camarines Sur.
Nakuha sa raid sa bahay ni Jose Begonia, kasapi ng Militia ng Bayan, 6:00 ng umaga ng sumunod na araw sa nasabi ring bayan ang sari-saring armas.
The post 6 ‘WANTED’ SA BIKOL BULAGTA SA OPS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: