Facebook

Online sabong, aprub na sa PAGCOR

DAHIL kailangang-kailangan talaga ng pamahalaan ng pondo ngayong pandemya, inatasan ng MalacaƱang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan na ng lisensya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon.

Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license”.

“Pag may license kasi, namomonitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income”, ani Tria.

Napag-alaman na limang kumpanya na ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate” dahil ang iba ay hindi pa nakakapagbayad ng corresponding fees at taxes.

Tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.

“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga otoridad dahil ito ay iligal at minomonitor na ng Department of Information, Communication and Technology (DICT)”, ayon pa kay Tria.

Dagdag ni Tria, nakakalikom ang PAGCOR ng P100 million kada buwan sa bawat licensed online sabong company.

The post Online sabong, aprub na sa PAGCOR appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Online sabong, aprub na sa PAGCOR Online sabong, aprub na sa PAGCOR Reviewed by misfitgympal on Mayo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.