TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go sa publiko na ang kapakanan at interes ng mga Pilipino ang pinakanangunguna sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Go na si Pangulong Rodrigo Duterte ang chief architect ng independent foreign policy ng bansa at kailangan nitong ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa international partners sa pagtugon sa COVID-19 habang tinitiyak ang interest ng bansa sa usapin sa teritoryo ng bansa sa WPS.
Ayon kay Go, nais ng Pangulo na isulong ang dapat na isulong, ipaglaban ang dapat ipaglaban at isantabi muna ang dapat isantabi dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya at kailangan nating magtulungan sa isa’t isa
“Ang President naman po ang chief architect ng foreign policy. Knowing the President for the longest time, always interest of each and every Filipino ang parating nasa isipan ng mahal na Pangulo. Binabalanse n’ya lahat,” ani Go.
“Ibig sabihin ni Pangulong Duterte, isulong ang dapat isulong, ipaglaban ang dapat ipaglaban, isantabi muna ang dapat isantabi…nasa gitna pa tayo ng pandemya at kailangan natin magtulungan sa isa’t isa,” wika ng senador.
Binigyang-diin ni Go na tiwala siya sa judgment ni Pangulong Duterte sa isyu lalo pa at alam nito ang kanyang ginagawa para ipaglaban kung ano ang napanalunan ng bansa
Dagdag pa ni Go na batid niya layon ng lahat ng partido ang mapayapang settlement sa mga disputes na naaayon sa international law at sa treaty obligations kabilang na ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Samantala, hinamon ni Go sina retired Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na sila na ang magpatrolya at harapin ang Chinese Coast Guard sa nasabing teritoryo.
Dagdag pa ni Go na hindi mababawi ng pagdadaldal ng mga dating opisyal ang criminal neglect na nagawa ng nakalipas na administrasyon na nagresulta sa militarization ng China sa West Philippine Sea. (Mylene Alfonso)
The post Kapakanan at interes ng mga Pilipino, prayoridad ni Pangulong Duterte sa isyu ng WPS – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: