Facebook

SAP distribution sa Maynila, kumpleto na — Isko

ISANDAANG porsyento ng kumpleto ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) sa Manila noong Martes, May 11 at ito ay higit na maaga sa itinakdang May 15 deadline ng national government.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno, kasabay sa pasasalamat at papuri niya sa kasipagan ng mga kawani ng department of social welfare sa pamumuno ni Re Fugoso sa mabilis at maayos na distribusyon ng nasabing pinansyal na ayuda.

Pinasalamatan din ni Moreno si President Rodrigo Duterete, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of National Defense (DND) para sa P1.5 billion binigay sa lungsod na 100 porsyento ng nakumpleto ang pamamahagi sa loob ng 35-araw na operasyon.

“Masaya po kami Mr. President… natupad namin ang pangarap mo para sa mga tao. Nagawa ahead of time and I’’m proud of my co-workers in City Hall, sa mga daycare workers at social workers na tumulong… kahit madaling araw o gabi, umulan o umaraw di sila tumigil na yakapin lahat,” ayon kay Moreno.

“We fulfilled your goal to give this as soon as possible. Within 35 days, ayan na po todas na.. 100 pecent nadale na natin hanggang kahuli-hulihang sentimo,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon sa ulat na ipinadala ni Fugoso, sinabi ng alkalde na may kabuuang 380,820 pamilya ang tumanggap ng P4,000 bawat isa bilang ayuda mula national government.

Pinasalamatan din ni Moreno ang lahat ng nakinig sa kanyang payo at sa mga lumiham sa kanya upang mapasama sa mga beneficiaries ng nasabing ayuda.

Base sa ulat ang ilan na nasa listahan ng mga beneficiaries ay patay na, hindi na nakatira sa Maynila o nilisan na ang lungsod sa kung anong kadahilanan, dahil dito ay naglaan din ng budget ang alkalde para dito. Sila ay kabilang sa next category ng mga beneficiaries base sa joint memorandum circular governing the distribution ng nasabing pondo.

Umabot sa 38,000 ang mga na-reconsider para dito kabilang na ang mga barangay na hindi nag-submit ng kahit na anong listahan noong una pa lang.

“Sa mga regular na nanonood, salamat at nakikinig kayo sa akin na sumulat kayo. I am happy to be of service and to give chance to others. Sabi sa inyo pag me sumobra punta tayo sa number 4. ..humigit-kumulang 38,000 ang reconsidered. Maraming salamat sa national government, dumating ang tulong nyo sa taumbayan through the efforts ng mga kasamang naglilingkod sa pamahalaang-lungsod ng Maynila. We give credit where it is due,” pahayag ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post SAP distribution sa Maynila, kumpleto na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SAP distribution sa Maynila, kumpleto na — Isko SAP distribution sa Maynila, kumpleto na — Isko Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.