Facebook

Sen. Go pinasasama ang mga atleta sa priority list ng bakuna

UMAPELA sa Inter-Agency Task Force si Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go na isama sa priority list ng bakuna ang mga atleta ng bansa na sasabak sa Tokyo Olympics at SEA-games ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Go na mahalagang protektado ang mga atleta dahil sila ang mga kinatawan ng bansa sa international competition.

Hindi rin aniya maiiwasan ang physical contact sa sports events kaya naman mahalaga na matignan din ang kapakanan ng mga manlalaro ng bansa.
Matatandaang isa si Go sa mga matinding supporter ng sports sa bansa kung saan maraming panukala na rin para sa mga atletang Pinoy ang kanyang naisulong.

Muling tiniyak ni Go na dapat magtiwala ang taumbayan sa bakuna dahil ito lamang ang tanging paraan para makamit ang herd immunity at unti-unting makabalik sa normal ang buhay sa bansa. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go pinasasama ang mga atleta sa priority list ng bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go pinasasama ang mga atleta sa priority list ng bakuna Sen. Go pinasasama ang mga atleta sa priority list ng bakuna Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.