NABABAHALA si Senator Bong Go sa balitang kinumpirma ng Department of Health na nakapasok na sa Pilipinas ang Indian variant ng COVID-19.
Kamakailan, sinabi rin ng WHO na “variant of concern” ito dahil posibleng mas nakakahawa at mas malubha ang epekto nito sa tao.
Sinabi ng senador sa publiko na huwag mag-panic dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ito.
Gayunpaman, sinabi niyang huwag din dapat magkumpyansa ang mga Filipino para huwag mahawahan ng virus.
“While the government is on top of the situation, the cooperation of everyone is crucial in order for us to overcome these challenges,” ani Go.
Bilang chair ng Senate Committee on Health, muling nanawagan ang sendor sa mga eksperto na kailangang mas lalong higpitan ang pagpapatupad ng mga itinakdang health protocols, border controls, disease surveillance measures, at mandatory quarantine lalo na sa mga pumapasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19.
“Isapuso natin palagi na nakadepende sa tamang pag-iingat ang pagpigil ng pagkalat ng sakit. Kung hindi tayo makikiisa, mas mailalagay sa peligro ang ating sarili at ang ating komunidad, mas maaaring maghigpit lalo ang quarantine restrictions na magreresulta sa pagsara nanaman ng kabuhayan, at mas hahaba pa lalo ang kalbaryo natin laban sa pandemyang ito,” ayon sa mambabatas.
Sinabi pa ng mambabatas na huwag din isantabi ang basic protocols tulad ng pagsuot ng masks at face shields, palaging paghugas ng mga kamay, pag-obserba sa social distancing, at pananatili sa loob ng bahay kung hindi naman kailangang lumabas.
“Paulit-ulit na po ito pero kung hindi tayo susunod, mas mahihirapan tayo lalo,” ani Go.
Ipinaalala ng senador sa sambayanan na magtiwala sa National Vaccine Program at magpabakuna na kaagad, ayon sa prioritization order na ipinapatupad.
Tuloy-tuloy aniya ang dating ng bakuna at pinapabilis ang rollout nito upang marating ang herd immunity sa lalong madaling panahon.
“Magmalasakit po tayo sa kapwa nating Pilipino na karamihan ay hirap na hirap na sa sitwasyon ngayon. Ang kooperasyon ng lahat ang kailangan upang malampasan ang krisis na ito,” pahabol ng senador. (PFT Team)
The post Bong Go sa Indian variant: ‘Wag mag-panic pero ‘wag magkumpyansa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: