Facebook

2021, “it’s now or never” laban sa global warming

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Kung hindi kayo makikinig sa tinig ng Diyos, at hindi na kayo susunod sa Kaniyang mga utos, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito… padadalhan niya kayo ng matinding init at tagtuyot. Hindi kayo titigilan ng mga ito hanggang sa kayo ay malipol. Ipagkakait sa inyo ang ulan at dahil dito, magiging parang bakal ang lupa dahil sa pagkatigang…” (Deuteronomio 28:22-23, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

2021, TAON NG TOTOHANANG PAGLABAN SA GLOBAL WARMING AND CLIMATE CHANGE SA MUNDO: It is now or never. Ngayon na, o hindi na kahit kailan pa man. Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga dalubhasa sa global warming and climate change na nagpulong ngayong linggong ito, sa paanyaya ng Nobel Foundation at ng iba pang tinaguriang mga major science academies o mga grupong ang mga pagkilos ay nakatuon sa siyensiya.

Layunin ng pulong na itulak na ng puspusan ang pandaigdigang pagpapatigil sa pag-iinit ng temperatura ng mundo, umpisa ngayong 2021. Ayon mga dalubhasang ito, kasama si US Special Presidential Ambassador on climate issues John Kerry, paparating na ang daigdig sa tinatawag na “point of no return”, o oras, na pag nakalipas ng walang nangyayari, hindi na pupuwedeng mapagpalabanan pa ang literal na pagkakasunog ng lahat sa mundo dahil sa mainit na panahon.

Sa ulat na lumabas ngayong umaga lamang ng Abril 28, 2021, lumilitaw na ngayong 2021 ang “tipping point” para sa lahat ng mga pagkilos upang mapatigil ng totohanan ang pag-iinit ng panahon at ng kalikasan, sa lahat ng dako. Mula ito sa dagdag na pahayag ng isa pang US global warming and climate change advocate, ang dating US Vice President, Al Gore.

Sinabi ni Gore, sa kaniyang pagsasalita sa Virtual Summit ng Nobel Foundation, na hawak na ng mga dalubhasa at mga pinuno ng malalaking bansa ang mga plano sa mabisang pagbaka sa mainit na mundo. Ang kailangan na lamang nila ay ang pagkakaroon ng iisang isip, upang isakatuparan ang nasabing mga plano.

***

NGAYONG 2021, “IT IS NOW OR NEVER” NA ANG PAGLABAN SA PAPAINIT NA TEMPERATURA NG DAIGDIG: Ang problema lamang, ayon naman sa mga pantas sa siyensiya na dumalo din sa Virtual summit ng nobel foundation, sobrang bagal ng mga tugon ng mga malalaking bansa sa mga plano. Kung susunod kasi sila ng totohanan sa mga planong ito, babagal lalo ang kanilang mga ekonomiya na pinabagal o pinabagsak na ng todo sa nakalipas na isang taon ng Covid 19 pandemic, at magiging dahilan ito ng kawalan ng trabaho at taggutom ng maraming mga tao.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit, sa panahon ng dating Pangulong Donald Trump ng Amerika, umalis ang mga puti sa Paris Conference on Climate Change, partikular sa kasunduang nilagdaan na ng Estados Unidos at ng iba pang mga tinatawag na First World countries upang bawasan ang paggamit ng US ng langis at petrolyo sa mga negosyo nito. Ipinahayag ni Trump na magiging masama ang epekto ng pagsunod ng US sa Paris Climate Change Agreement dahil titigil naman ang mga negosyo ng mga Amerikano na nakadepende sa petrolyo o langis, na pag ginamit ay nagdudulot ng matinding carbon air pollution.

Tinawag ng Nobel Foundation ang Virtual Summit nito ngayong linggong ito, upang ihanda ang mga pinuno ng mga bansa na inaanyayahang dumalo ni US President Joe Biden sa kaniyang kauna-unahang climate change initiative. Ang Nobel Foundation ay ang organisasyong nagbibigay ng taunang Nobel Peace Prize sa mga tao na malaki ang nagawang kontribusyon para sa kaligtasan at kagalingan ng daigdig sa maraming larangan.

Ang mga Amerikanong si John Kerry at si Al Gore ay kilalang nagsusulong ng pagpapatigil ng paggamit ng langis at petrolyo sa pagpapatakbo ng negosyo. Isinasandal ng dalawang ito ang kanilang panawagan laban sa langis at petrolyo sa mga negosyo sa US, at sa buong mundo na rin sa katotohanang ito lamang ang makakapigil sa patuloy na pag-iinit ng kapaligiran na magiging dahilan ng wakas ng sandaigdigan.

***

GLOBAL WARMING AND CLIMATE CHANGE NA WAWASAK SA DAIGDIG, NAUNA NG IBINABALA LIBONG TAON NA ANG NAKARARAAN: Sa pananaw naman ng Filipino think thank group na Dimensions And Solutions, Onc., lihis din ang mga panawagang ito nina Kerry, Al Gore, Nobel Foundation, at maging ni US President B=iden, at ng maraming iba pang concerned world leaders, sa ikalulutas ng suliranin ng global warming and climate change.

Walang mangyayari sa kanilang mga panukalang itigil na ng malalaking bansa ang paggamit ng langis o petroyo upang mapatakbo ang kanilang mga factories at mga industrial companies, dahil mangangahulugan din naman ng kamatayan ng kani-kanilang mga ekonomiya, ayon sa think tank group.

Walang susunod sa mga panukalang ito, kahit na doon mismo sa mga bansa ng mga nagpapanukala, dagdag pa ng Dimensions And Solutions, Onc. Kung nais talaga ng mga world leaders na maghanap ng totohanang solusyon sa papa-init na papa-init na temperatura sa daigdig (dahilan upang magkaroon ng mga mapanira at nakamamatay na mga kalamidad gaya ng mga malalakas na bagyo o tagtuyot sa lahat ng dako), kailangan nilang unawain muna na may anggulong espirituwal ang nasabing isyu ng global warming and climate change.

Sabi ng Dimensions And Solutions, Inc., kailangan unawain ng mga dalubhasa sa daigdig na matagal ng isinulat ang pagdating ng global warming, kasama ng mga pinsala at kamatayang dulot ng mga ito, ayon sa think tank. Magkaganunman, sabi ng pinuno nitong si Professsor Noi T Albo, isinulat na din naman ang mga solusyon sa problema. Kailangan na lamang magbasa ng mga world leaders ng aklat na naglalaman ng mga babalang ito, sabi pa ni Professor Albo.

***

REAKSIYON? TANONG: Cellphone: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com.

The post 2021, “it’s now or never” laban sa global warming appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2021, “it’s now or never” laban sa global warming 2021, “it’s now or never” laban sa global warming Reviewed by misfitgympal on Mayo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.