HINDI natin malaman kung saan ba ibinase ng management ng Breeze Tower Condominium ang kanilang polisiya na manghuli at maniket ng mga motoristang nagpa-park sa harapan ng kanilang gusali dyan sa Roxas Blvd.,Pasay City.
Sino kayang tolonges na taga city hall ng Pasay ang nagkaloob ng paniket o traffic citation ticket (TCT) sa mga guard ng Breeze Tower.
Para sa atin kasi,kuwestionableng maisyuhan ng paniket o TCT ang mga guwardiya ng isang pribadong establisimiyento dahil para lamang ito sa mga lehitimong traffic enforcers ng Pasay City.
Ibig bang sabihin,yung mga private security guards ng Breeze Towers ay idineputized ng lokal na pamahalaan ng Pasay? Kaya may mga paniket?
Maraming kasi ang nagrereklamong mga kostumer ng Banco De Oro (BDO) branch sa Breeze Tower natinitikitan ng mga guwardya ng nasabing condominium kapag pumarada kahit sandali lamang para magtransact ng business sa nasabing bangko.
Ang sinasabi ng mga aroganteng guwardya ay may pay parking naman sa 2nd floor ng Breeze Tower.
So pera pera na naman ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinagbabawal ang parking sa harapan at besinidad ng Breeze Tower.
Paano naman ang mga kostumer ng BDO at kalapit na Alfamart convinient store na tenant naman ng Breeze Tower?
Gagatasan na lamang ba ng bulok na patakaran ng naturang condo?
Ang tanong lang natin,di ba pag commercial establishment ang tenant ng isang building,automatic na may alloted parking space para sa mga kostumer nito.
In the case of BDO at Alfamart,dapat may konsiderasyon naman ang mga guwardiya ng Breeze Tower sa paniniket sa mga ito.
Kung makatao at maka-Diyos nga ang owner o management ng Breeze Tower.
Eh kung ubod ng kupal at talagang walanghiya,ganoon na nga ang iiral na sistema.
Ang ipinagtataka ko lamang,kapag may mga ganitong kagago at malasadong sistema,parating kasali ang ilang mga taga-Pasay City Hall.
Bakit nga ba Mayora Emi Calixto-Rubiano maam?
Dahil ba sa may ibinigay na libreng units ang Breeze Tower sa inyo Mayora Emi,Cong.Tony at Kon.Mark?
Nagtatabong lamang po dahil ito ang tsismis kung bakit lahat daw ng request ng management ng Breeze Tower Condominium sa Pasay City LGU ay ‘appoved without thinking’ hehehe!
Again nagtatanong lamang po!
May hindi tama sa pagkakaloob ng Pasay City government ng paniket sa mga security guards ng Breeze Tower.
Di tayo abogado pero kahit paano ay nakakaintindi rin naman tayo ng batas at tamang proseso.
Dapat ay may MOA man lamang o di kaya ‘deputization’ ang mga guwardya ng naturang condo bago maging legal ang kanilang paniniket.
Saan napupunta ang binabayad na multa ng mga natitikitan?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Bobong patakaran ng Breeze Tower Condominium appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: