SA kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa, tuloy naman ang pagtulong ng tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go sa mga kababayang biktima ng flashflood sa Silay city, Negros Occidental.
Upang matiyak na lahat ng 16,827 na mga pamilyang binaha ay maabutan ng tulong, ilang grupo ang binuo ni Go para maiparating ang mga tulong tulad ng food packs, face mask, face shield, vitamins at iba pang makakatulong sa mga biktima.
Maliban sa personal na tulong, pinakiusapan din ni Go ang Department of Social Welfare and Development na magdala ng tulong sa mga binaha kung saan inaasahan ang cash assistance.
Kasama rin sa mga napakiusapan ni Go na agad na maghatid ng tulong ang Department of Trade and Industry para sa assistance sa kabuhayan at ang TESDA para naman sa assessment sa mga posibleng maka-avail ng scholarship.
Matatandaang marami ang nagulat sa biglaang pagbaha sa lugar bunsod ng ilang araw na pag-ulan noong Enero.
Una nang inihayag ni Go na sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap ng bansa, sisikapin niya at ng kanyang tanggapan na makapaghatid ng tulong sa mga kababayang nangangailangan basta kaya ng panahon at pagkakataon. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go tinulungan ang mga biktima ng flashflood sa Silay City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: