MATINDI ang mga bigwas na inabot ni Rodrigo Duterte sa mga kritiko niya hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo. Hindi siya ang sakitin at batugan na lider na nagtratrabaho isang araw kada linggo. Hindi siya ang mamamatay-tao na nagpapatay ng mahigit 30,000 sa kanyang madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Hindi siya ang bastos at palamurang lider na walang konsiderasyon sa damdamin ng kanyang nasasakupan.
Higit sa lahat, siya ang taksil sa bayan na isinuko ang Filipinas sa Tsina. Siya ang traydor sa bayan na isinuko ang sariling dangal ipagtanggol ang interes ng Tsina. Walang presidente sa kasaysayan ng Filipinas ang binigyan ng ganitong taguri. Kahit si Jose P. Laurel ay hindi pinagsalitaan ng masasakit na salita. Tanging si Duterte lamang.
Kahit naharap sa sakdal na kataksilan sa bayan (treason) si Laurel pagkatapos ng digmaan, hindi dinala ni Laurel ang taguring “taksil.” Natigil ang paglilitis na nang ideklara ang amnestiya sa pangkalahatan ni Manuel Roxas. Noong halalan ng 1949, lumaban si Jose Laurel bilang kandidato ng Lapiang Nacionalista laban kay Elpidio Quirino na dinala ng Lapiang Liberal. Bahagyang nanalo si Quirino.
Sa huli, tinawag ng mga historyador si Jose Laurel bilang isang dakila at makabayang lider sapagkat dinala niya ang interes ng Filipinas sa kanyang pakikitungo sa mga mananakop na Hapones. Namatay na iginagalang si Laurel na kahit kailanman sa kanyang buhay bilang lingkod bayan at hindi naging bastos at mapanuwag sa kapwa Filipino. J. P. Laurel ang pangalan ng malaking kalsada sa harap ng Malacanang. Ipinangalan iyon sa kanya bilang parangal.
***
MABIGAT ang baraha na hawak ni Antonio Carpio at Albert del Rosario sa pakikipagtunggali kay Duterte. Nasa tamang panig sila ng kasaysayan. Hawak nila ang alas ng baraha. Hindi maaari isantabi ang 2016 hatol ng Permanent Arbitral Commission ng United Nations Conferenmce on the Law of the Seas (UNCLOS) na nagtatakwil sa teyoryang Nine-Dash Line ng Tsina. Batay sa teorya, pag-aari ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea. Isa itong kasinungalingan na walang batayan sa kasaysayan at batas, ayon sa makasaysayang desisyon.
Walang hawak na anuman si Duterte kundi ang sariling kapalpakan. Hindi pwedeng balewalain ang desisyon. Pagtatawanan lang siya ng mundo. Bahagi ng international law ang desisyon at ito ang ginagamit na batayan ng maraming bansa sa kanilang paglalayag sa South China Sea. Ito ang pinanghahawakan ng maraming bansa sa paglalayag ng kanilang barko sa South China Sea. Hindi sila puedeng ipagtabuyan ng mga barko ng Tsina. Tanging si Duterte lang ang takot sa Tsina. Kaya pinagtatawanan siya sa buong mundo.
Magaling si Carpio at del Rosario. Kabilang sila sa puwersa ng Pangulong Noynoy Aquino na nagharap ng sakdal sa Commission noong 2013. Sinaliksik mabuti Carpio ang usapin at kasama ang kanyang research sa posisyon ng Filipino. Teka nga pala, Si Carpio ang nagmungkahi kay Pnoy na magharap ng sakdal sa Comission dahil nakikita niya na palaging lulusubin ng Tsina ang ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea.
Mabuti at sinunod ni Pnoy si Carpio. Patunay ang panalo ang Filipinas sa demanda. Si Duterte ang natalo. Pinagtatawan ang paksyon na kakampi sa Tsina. Kaunti lang sila.
***
IPINAGBUBUNYI namin ang pagkakahirang ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng PNP. Tanging si Eleazar ang inirekomenda ni DILG Secretary Ed Ano bilang kapalit ni Gen. Debold Sinas. Malaaki ang pagkakaiba ng dalawa. Mas magaling tumutok si Eleazar sa trabaho at inaaasahan namin ang pagbabago sa PNP.
May sinabi ang kaibigan Ding Velasco tungkol sa Eleazar: “It is probable that many of you will, or may disagree with me that newly installed PNP Chief Guillermo Eleazar will be a fresh wind at the rotting corpse of the PNP … it is just unfortunate that he has only 7 1/2 months to wield that fresh wind.”
***
PARANG basag na plaka sa pagmumura sa harap ng telebisyon si Duterte. Pinagdiskitahan si Carpio at del Rosario na parehong bumasag sa katwiran na walang batayan sa kasaysayan at batas. Wala naman iniharap na katwiran si Duterte at puro mura lang ang sinabi. Papel lang umano ang panalo ng Filipinas sa UNCLOS. Kinukumpirma niya na wala siyang katwiran. Hindi namin dagdagan ang walang kuwentang pagharap sa madla. Wala tayong mapupulot na aral.
Mas maigi basahin ang isinulat ni Sajid Sinsuat Glang, isang kaibigan, tungkol sa nahihinuhang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng mga nagkakaisang bansa sa Ilalim ng Estados Unidos at Tsina. Nilibak na kaibigan namin si Duterte at ilang maka-Tsina sa gobyerno niya.
If war breaks out between the US and China in the South China Sea, the following will be the alignment of forces:
1.Coalition Forces will be composed of the US, Japan, India, Australia, United Kingdom, France, Germany, Netherlands, Taiwan, Indonesia, Vietnam, and Papua New Guinea.
2. China will most likely fight alone. It cannot even enlist the help of Russia which seems inclined to stay neutral.
Where will the Philippines enter the picture? Duterte and his cabal will be reduced to a cheering squad for President Xi Jin Ping while the Filipino people will vent their collective fury at them for betraying their motherland.
***
NAKAKATAWA si Carlito Galvez Jr. sa kanyang sinasabi sa harap ni Duterte. Pangatlo umano ang Filipinas sa 10 kasaping bansa ng ASEAN. Nauuna ang Indonesia kung saan mahigit 20 milyon doses ang naibigay sa kanilang mamamayan; at pangalawa ang Singapore. Nakapagbigay umano ng dalawang milyon doses ang Filipinas.
Hindi sinabi ni Galvez na hindi kailangan ng ibang bansa tulad ng Malaysia at Vietnam ang bakuna dahil tagumpay sila sa maagang pagsugpo ng pandemya. Kagyat na isinara ng Vietnam ang kanyang hangganan (border) sa mga turistang Intsik sa pagputok ng pandemya. Mabisa naman ang sistemang health care ng Malaysia at hindi pumutok ang pandemya.
Baligtad sa Filipinas kung saan pinapasok ang mga turistang Intsik na nagdala ng mapinsalang virus sa Filipinas. Hindi binanggit ni Galvez na basag ang pula ng mga namumuno sa Filipinas. O siya rin, basag ang pula? Nakakatawa lang.
***
MGA PILING SALITA: “Rodrigo Duterte challenges Carpio & del Rosario to a public debate. Duterte won’t win. History and facts are not on his side.” – PL, netizen
“Masyadong napahiya ang Sandatahang Lakas sa usapin ng West Philippine Sea. Malamang gumawa ng gimik para makabawi.” – PL, netizen
The post Taksil sa bayan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: