HALATANG sobrang pikon na si Pangulong Rody Duterte laban kina retired Supreme Court Justice Antonio Carpio at dating Foreign Secretary Alberto del Rosario.
Masyado kasing maingay sa social media ang mga da-ting opisyal hinggil sa “pagtatanggol” ni Pangulong Duterte sa pananatili ng Chinese military vessels sa mga karagatang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Tila pag-aari na kasi ngayon ng China ang kalakhan ng West Philippine Sea. Hinaharang, tinataboy, sinasagasaan nila ang ating mga mangingisda ‘pag pumasok sa Scarborough Shoal o sa Pag-asa Island kungsaan mga Chinese na ang mga nangingisda sa mga bahura sa lugar.
Sa kanyang lingguhang public address noong Lunes, Mayo 3, hinamon ni Duterte si Carpio ng “debate” tutal pareho naman daw silang abogado. Wala rin naman daw itong nagawa nung nasa Korte Suprema pa. Araguy!!!
Sinabihan rin ni Duterte si Del Rosario na hindi ito Pinoy, pangit ang mukha. Pag nakita aniya ito ay kanyang susuntukin. Hehehe…
Ang pagngi-ngitgit ni Duterte ay kasunod ng pagpaalala sa kanya ni Carpio tungkol sa mga inanunsyo nito nang nangangampanya palang sa pagka-pangulo noong 2016, kungsaan ipinangalandakan niyang pag naging presidente siya ay mag-jetsi siya sa WPS at iturok sa airport na ginawa ng China doon ang bandera ng Pilipinas.
Pumabor sa Pilipinas ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa Hague noong Hulyo 12, 2016 matapos magsampa ng kaso ang Aquino administration laban sa China noong 2014, kasunod ng girian ng Philippine Navy at Chinese Coast Guards noong 2012 dahil sa pagtatayo ng China ng base military sa mga bahura ng Pilipinas na ka-sinlaki ng tatlong erya ng Quezon City sa WPS.
Ang panalong ito ng Pilipinas ay hayagang sinabi ni Duterte na “piece of paper” lang na kapag ibinigay sa kanya ay kanyang ibabasura. Inamin din niyang “inutil” siya pagdating sa isyu ng WPS.
Ipinamumukha ngayon nina Carpio at Del Rosario kay Duterte ang pagtataksil nito sa Saligang Batas ng Pilipinas, ang pagpapaubaya sa China sa pangangamkam nito sa mga likas-yaman ng Pilipinas sa WPS.
Walang mahagilap na tamang argumento ang kampo ni Duterte sa mga banat nina Carpio at Del Rosario. Ang kanyang mga tagapagtanggol na sina OSG Jose Calida, Pres. Spokesman Herminio “Harry” Roque at Foreign Sec. Teddy Boy Locsin ay nagmukhang lightweights sa mga birada ng seniors naring sina Carpio at Del Rosario.
Ang mga hataw kasi nina Carpio at Del Rosario ay detal-yado, may numero, at naaayon sa batas. Habang ang argumento ni Duterte at kanyang mga alipores ay pawang walang basehan, mga tahi-tahi lamang nila at pabor pa sa China. Mismo!
Lalo pang naulol si Pangulong Duterte sa pagbanat sa kanya ng mga kilalang kaalyado niya tulad nina Senador Manny Pacquiao, Sen. Imee Marcos, Sen. Ping Lacson at tiyahin ng manugang niyang si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na isa ring retired Supreme Court Justice.
Si Morales ay tiyahin ni Atty. Lance Carpio na mister ni Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio, ang anak ni Digong na matunog na iendorso niyang kakandidatong pangulo sa 2022.
Banat ni Pacquiao, dismayado siya sa pagboto kay Duterte noong 2016. Iba raw kasi ang ginagawa nito nga-yon sa mga ipinangako noong kandidato ito. Hehehe..
Si Pacquiao ay balitang tatakbo ring pangulo. Yun na!
The post Word war: PDu30 vs Carpio, Del Rosario appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: