Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng kanyang biyenang lalaki nang maaktuhan nito na sinasampal ng kanyang service firearm ang kanyang misis na anak ng huli sa kasagsagan ng matinding pagtatalo ng mag-asawa sa kanilang bahay sa Batisan St., Barangay Aduas Norte, Nueva Ecija, Sabado ng madaling-araw.
Kinilala ni Police Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang napatay na biktima na si P/Cpl. Marlon de Guzman, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Aliaga Municipal Police Station at nakatira sa nasabing barangay.
Kusang-loob naman na sumuko sa dumaraang Patrolya ng Bayan members ng Cabanatuan City Police ang biyenang si Alberto Manigao, 65 anyos, negosyante, may-asawa ng Batisan St., Barangay Aduas Norte.
Sinugod naman sa Good Samaritan Medical Center ang misis ng pulis na si Jean Marie, makaraang magtamo ng tama ng bala sa kanang braso nang tangkain nitong awatin ang amang si Alberto na mapatay ang kanyang asawa.
Ayon sa ulat, 12:30 ng Sabado ng madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ng matinding pagtatalo ng mag-asawa sa kanilang bahay at dahil dito ginising at sinundo ng mga barangay tanod ang biyenang lalaki para pumagitna sana sa away. Gayunman, nadatnan ng matandang biyenan na sinasampal ng nasabing pulis ang kanyang anak at tinutukan pa ng baril.
Dahil dito, nangibabaw ang pagiging ama nu Manigao na proktektahan ang anak at dagli nitong inagaw ang baril ng biktima saka ilang beses na ipinutok sa manugang na pulis sa harap ng anak ng una na nagtangkang awatin ang ama na mapuruhan ang mister.
Alas-2 ng madaling-araw ng Sabado nang mapadaan ang patrol car ng pulisya kung saan sumuko si Manigao na nahaharap sa kasong homicide.
The post Umbagerong pulis bulagta sa biyenan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: