MAHIRAP isipin na hindi nakakarating sa kaalaman ni Rizal Governor Rebecca “Nini” Ynares at Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang laganap na jueteng operation ng Intsik na si alias John Yap at ng retiradong pulis na si alias Abion sa Antipolo City at sa 14 na munisipalidad na nasasakupan ng naturang lalawigan.
Bukod sa pag-ooperate ng jueteng ay may ulat ding sangkot sa bentahan ng malalaking kantidad ng droga partikular na ng shabu sina Yap at Abion sa Antipolo City at sa halos lahat ng mga bayan sa probinsya ng Rizal.
Imposible namang mauna pang ipaalam sa inyong lingkod ng ilang barangay official ng Antipolo City ang kanilang karaingan? Reklamo nila ay ultimong sa gilid lamang ng Antipolo Cathedral ay may mga nagpapatayang kubrador ng jueteng sa mga deboto, at palihim pang nagbebenta ng shabu sa kanilang mga suking drug addict.
Malaking insulto ito kina Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” B. Ynares at Antipolo City Police Chief, P/LtCol. Jose Joey C. Arandia.
Maging sa Antipolo City Police Headquarter, City Hall at Bulwagan ng Katarungan ay naglisaw din ang mga kubrador ng jueteng nina Yap at Abion.
Sa kabuuan ay malaking latay ito sa imahe nina Gobernadora Ynares, Mayora Andeng Ynares at Rizal PD, Col. Arguelles.
Wala na marahil masulingan pa ang mga nasabing barangay official para iparating ang kanilang hinaing pagkat maging sina Col. Arandia at Mayora Ynares ay hindi umaaksyon laban kina Yap at Abion? Hayag naman anila, kung saan ang mga lugar sa nasabing siyudad nagrerebisa ng kubransa sa jueteng ang mga empleyado at kabo nina Yap at Abion. Kaya ang huling remedyo na naisipan nila ay dumulog sa SIKRETA.
May mapapanaligang ulat din na mismong sa mga safehouse nina Yap at Abion nagkakaroon ng transaksyon para sa malakihang bentahan ng shabu. Ang droga ay nagmumula sa Metro-Manila at Cavite na bahagi naman ng mga naipupuslit na illegal drug mula sa Bureau of Customs (BOC).
Walang sinuman sa tauhan ni Col. Arandia ang makapangahas na kantiin ang mga kubrador at kabo nina Yap at Abion sa pangambang mapag-initan ang mga ito nina Gov. Ynares at PD Arguelles.
Kung sa ganang kanila, ayon pa sa mga barangay official ay dapat na magbitiw na bilang hepe ng pulisya ng Antipolo City si LtCol. Arandia.
Talagang gasgas naman ang pangalan nina Gobenadora at PD Arguelles pagkat ipinangangalandakan pala nitong si Abion na may bendisyon sa kanilang iligal na operasyon sina Gobernadora at PD. Nagpapakilala pang “bagman” ng tanggapan ng Gobenadora si Abion?
Kaya dapat na supilin na agad nina Gov. Ynares at PD Arguelles ang salot na iligal na pasugal nina Yap at Abion.
Maging sa mga bayan ng Angono, Baras, Bingangonan, Cardona, Jalajala, Montalban, Morong, Pililla, San Mateo, Tanay, Taytay, Teresa, Cainta at Rodriguez ay talamak din ang pajueteng nina Yap at Abion.
Ngunit tulad din ng iba pang mga alkalde sa Rizal ay mistula ding inutil ang mga local executive dito tulad nina Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, Baras Mayor Katherine B. Robles, Cesar M. Ynares ng Binangonan, Cardona Mayor Teodulo C. Campo, Jalajala Mayor Elmer C. Pillas, Montalbon Mayor Dennis L. Hernandez, Morong Myor Olivia F. De Leon, Pililla Mayor Dan V. Masinsin, San Mateo Mayor Cristina C. Diaz, Tanay Mayor Manuel C. Tanjuatco, Taytay Mayor George R. Gacula, Teresa Mayor Raul Palino at iba pa.
Malaking isyung pulitikal laban sa kanila kung may katotohanan ang hinalang sila ay pawang mga protektor ng labag sa batas na operasyon nina Yap at Abion? Mahihirapan talaga silang ipaliwanag sa kanilang mga mamamayan kung bakit di nila sinusugpo o ipinasusugpo sa kanilang kapulisan ang salot na hanapbuhay nina Yap at Abion.
Mula kay Gobernadora at sa mga nabanggit na alkalde ay tiyak na bagsak ang kanilang karera-pulitikal dahil lamang sa alingasngas na dulot ng iskandalosong operasyon ng jueteng at kalakalan ng droga nina Yap at Abion.
Lahat sila ay magiging talunan sa kanilang re-election bid kung ang halalan ay idaraos sa kasalukuyang buwan.
Kaya habang may panahon pa, kailangang umaksyon na si Gobernadora Ynares bilang INA ng lalawigan ng Rizal pati na ang nasabing mga alkalde. Kailangang iligtas ng mga ito ang kanilang mga mamamayan laban sa salot at pagkabulid sa bisyong droga at pajueteng nina Yap at Abion. Itutuloy…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post Yap at Abion dedma kay Gov! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: