Facebook

Huwag mawalan ng pag-asa ngayong pandemya — Sen. Go

HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang ang mga kababayan na “wag mawalan ng pag-asa dahil ang pamahalaan ay nariyan at handang tumulong”.

Sa isang panayam, sinabi ni Go, “huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng ng gobyerno na laging nagmamalasakit sa inyo”.

“Magbayanihan tayo para malagpasan natin ang krisis na nating kinakaharap ngayon dahil Malaki po ang magagawa ng pagtutulungan natin sa isa’t-isa”, dagdag pa ng senador.

Ang tinutukoy ni Go ay ang mga nagsulputang “community pantry” kung saan sang-ayon ang mambabatas dahil nakakatulong ito sa mga mahihirap basta’t wag lang daw haluan ng politika.

Hinikayat din ng dating Special Assistant to the President (SAP) at ngayo’y isa ng senador ang mga mahihirap na “wag mag-atubiling lumapit sa mahigit isandaang Malasakit Center nationwide” kapag may mga karamdaman sila at walang pambayad sa pagpapagamot.

“Itinatag po namin ng Pangulong Duterte yang mga Malasakit Center para po sa inyo na hirap sa buhay at walang pampagamot kaya’t marapat lamang na lapitan po ninyo ito,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)

The post Huwag mawalan ng pag-asa ngayong pandemya — Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Huwag mawalan ng pag-asa ngayong pandemya — Sen. Go Huwag mawalan ng pag-asa ngayong pandemya — Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.