ISINAILALIM sa restrictive custody ang 10 police personnel na sangkot sa anti-illegal drug operation nang mapatay sa operasyon ang 16-anyos teenager at isang drug suspect sa Binan City, Laguna.
Ayon kay PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, agad niyang ipinag-utos na isailalim sa restrictive custody ng PRO4A si Police Intelligence Unit (PIU) Laguna head Capt. Fernando Credo at siyam pang mga pulis na sangkot sa nasabing operasyon.
Isinailalim din sa paraffin testing ang lahat ng pulis na involved sa operasyon at ang kanilang mga baril ay isinailalim din sa ballistics examinatination.
Isinailalim din sa autopsy ang cadaver ng dalawang nasawi na sina Johndy Maglinte at Antonio Dalit.
Pinangungunahan ng Regional Investigation and Detective Management Division kasama ang Regional Internal Affairs Service (IAS) ang imbestigasyon para mabatid kung may lapses at kung nasunod ang Police Operational Procedure sa operasyon.
Nanindigan naman ang mga operatiba na legitimate ang kanilang operasyon kungsaan target nila si Dalit na kabilang sa 10 most wanted persons ng Laguna PNP.
Umalma kasi ang pamilya Maglente na pinatay ng mga pulis ang dalawang biktima.
Siniguro ni Eleazar na kaniyang pakatutukan ang nasabing kaso, at hindi palalagpasin ang ginawa ng kaniyang mga tauhan kung talagang may mga kasalanan ang mga ito.
Welcome din sa PNP ang gagawing independent investigation ng CHR sa insidente.
The post 10 pulis sa Laguna drug ops iniimbestigahan sa pagpatay sa 2 ‘tulak’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: