Facebook

Ginang ni-rape at brutal na pinatay

DUGUAN at walang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang 55-anyos na ginang na ginahasa muna bago brutal na pinatay sa Purok Garcia, Barangay Rotonda, Koronadal City.

Kinilala ang biktima na si Carol Sunga Fuentes, 55, may dalawang anak at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, 6:00 ng umaga nitong Sabado nang i-report kay Barangay Kapitan Jerry Marmonejo ang nangyari kay Fuentes.

Personal umanong nakita nito ang bangkay ng biktima na wala nang suot na underwear.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Norma Sunga, bago nangyari ang krimen may na-wrong send na text message ang kanyang kapatid sa kanya kaugnay sa nawawalang pera.

Kaya’t naniniwala ito na kakilala ng biktima ang salarin.

Una rito, narinig din ng mga kapitbahay ng biktima na umiiyak ito at panay ang kahol ng kanyang mga aso ngunit hindi nila nakita ang pangyayari.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoriad na dumaan sa bintana sa likod ng bahay ng biktima ang salarin na pinaniniwalaang gumahasa at pumatay rito.

Nagtamo ang biktima ng maraming saksak sa likurang bahagi ng kanyang katawan, naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Suspek sa krimen ang karelasyon ng biktima dahil ito lamang umano ang palaging kasama sa pagbibilang ng pera mula sa pautang nito.

The post Ginang ni-rape at brutal na pinatay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ginang ni-rape at brutal na pinatay Ginang ni-rape at brutal na pinatay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.