Facebook

Kawani ng DepEd, misis na guro na missing natagpuang patay

NATAGPUAN ang bangkay ng mag-asawa na dinukot ng mga armadong kalalakihan sa San Fernando City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Gavino Sanchez, liaison officer sa Department of Education (DepEd) sa Minglanilla; at misis nitong si Arlene, guro sa Tobod Elementary School sa Minglanilla.

Sa report, 7:00 ng gabi ng Biyernes nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan sa nasabing lugar.

Ayon sa mga residente, nagtataka sila kung bakit may ilang araw ng nakaparada sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar ang isang Mitsubishi Strada pick-up. Nang inalam, bumulaga ang bangkay ng mag-asawang Sanchez na nangangamoy na.

Bago ang insidente, Miyerkoles ng gabi ay dinukot ang mag-asawa ng mga hindi kilalang kalalakihan.

Nagapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

The post Kawani ng DepEd, misis na guro na missing natagpuang patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kawani ng DepEd, misis na guro na missing natagpuang patay Kawani ng DepEd, misis na guro na missing natagpuang patay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.