TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go ang patuloy na pagbibigay ng abot kayang health care sa lahat sa kanyang pagdalo sa pagbubukas ng bansa sa 117th Malasakit Center sa Philippine Orthopedic Center (POC) sa Quezon City nitong nakalipas na Biyernes June 4, ang POC ay espesiyalista sa musculoskeletal disorders at iba pang katulad na kondisyon na sa 23rd hospital sa Metro Manila at pang walo sa Quezon City na bubuksan ni Senator Christopher “Bong” Go na personal niyang dinaluhan na pagbubukas sa bansa.
Ang iba pang Malasakit Centers sa QC ay matatagpuan sa East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, and Veterans Memorial Medical Center.
Sa kanyang speech, inilarawan ni Go ang Malasakit Center bilang produkto na pagbabahagi ng paningin at ni Presidente Rodrigo Duterte para bigyan ang mahihirap at low-income na mga Filipino ang gobyerno ay nagbibigay ng tulong para sa kanilang pangangailangan ng mataas na kalidad ng health at medical care.
“Ako po’y nagtrabaho kay Pangulong Duterte for more than 22 years. Nakita ko ang puso niya para sa mga kababayan natin, lalung-lalo na sa mga pasyenteng walang pambayad sa ospital,” pagsisimula ni Sen. Go.
“Minsan, may mga taga-Zamboanga at Surigao na pumupunta ng Davao City Hall para humingi ng tulong. Kung ikaw ay may puso para sa mga mahihirap, matitiis mo ba ang mga lumalapit sa’yo at nagmamakaawa, humihingi ng tulong? Sabi sa akin ni mayor, ‘Bong, hindi ko matiis na hindi tulungan ang mga iyan dahil para sa akin mga Pilipino pa rin sila,” sinabi pa ng senator.
Ang Special Assistant ng Presidente, nagdesisyon si Go na buksan ang pilot Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City nitong nakalipas na 2018.
Ayon sa ulat ang center ay nagbibigay ng katulad na tulong gaya ng government agencies mula sa mga pasyente na nag-aaplay ng medical assistance, gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, and Philippine Charity Sweepstakes Office.
Upang gawing institusyunal sa buong bansa ang pagpapatupad binigyan nya ng authored at pagsusulong para sa enactment ng Malasakit Center Act of 2019 para sa kanyang unang legislative acts noong una siyang nahalal bilang senator nitong nakalipas 2019.
Kaugnay nito binigyan diin ni Go ang kahalagahan ng papel ng mga frontline medical workers para matiyak ang patuloy na pagbibigay ng healthcare at medical services sa buong bansa lalo na sa panahon ng global health crisis. At binigyan nya ng pagkilala ang mga ito para sa kanilang serbisyo.
“Sa mga frontliners dito, mula sa amin ni Pangulong Duterte, maraming salamat para sa sakripisyo ninyo. Alam namin na marami sa mga kasamahan niyo ang nagbuwis ng buhay, kaya plano ni Pangulo na gawan sila ng monumento sa Libingan ng mga Bayani bilang pagbibigay kilala sa sakripisyo nila,” sinabi pa ni Go.(Boy Celario)
The post 117th Malasakit Center binuksan sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: