Facebook

119th Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa QC binuksan

HINILING ni Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na patuloy na magbigay ng mabilisang health at medical care sa mga indigent patients sa panahong nahaharap ang bansa sa krisis ng pandemya.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag sa kanyang kaarawan matapos personal na dumalo sa pagbubukas ng bansa sa 119th Malasakit Center sa National Children’s Hospital in Quezon City nitong Lunes, Hunyo 14.

Ayon kay Sen. Go ang NCH, ang nangungunang provider ng pediatric care, sa 24th hospital sa Metro Manila at ninth in Quezon City na binuksan ng Malasakit Center.

Ang iba pang ospital ay kabilang ang East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute,Philippine Orthopedic Center, and Veterans Memorial Medical Center.

Sa kanyang pananalita sa seremonya iniulit ni Go ang kanyang commitment para itulak ang sukatan para paunlarin ang access sa kalidad na health care sa buong bansa.

Binigyan daan din nito ang pangangailangan para sa proteksyon ng mga Filipino mula sa Covid-19 bilang hamon sa maraming indibidwal para makakuha ng access sa health services lalo na sa panahong ito ng krisis.

“Bilang inyong Chair ng Senate Committee on Health, patuloy kong ipaglalaban ang mga batas na mag-iimprove sa ating mga lokal na ospital. Hindi ako titigil dahil alam ko ang sitwasyon sa baba at alam ko ang makikinabang dito ay ‘yung mga mahihirap,” ayon kay Go.

“Wala pang Covid, umaabot na ng 400 percent ang mga occupancy rate. Ngayon na may pandemya, mas kailangan pa natin mag-invest sa ating health care system para matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga Pilipino,” paliwanag pa ng senator.

Upang bigyan ng malagan ap na health care access ang mas nakararaming Filipino ang Senator ay nag-principal author at nag sponsored ng measure para maging Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.

Ang center ay nagbibigay sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno at nag-aalok ng medical assistance para sa mahihirap na indigent patients. At ang mga ahensya ay kabilang ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, and Philippine Health Insurance Corporation.

“Nakakatuwa marinig na wala daw lumalabas sa ospital na ito na hindi masaya. Pakiusap, huwag niyo pababayaan ang mga bata at pamilya natin na walang matakbuhan sa panahon ngayon,” said Go.

”Palaging sinasabi ni Pangulo [Rodrigo] Duterte na kung anong pera mayro’n ang gobyerno, ibalik natin ‘yan sa tao dahil pera naman nila ‘yan,” ayon pa kay Go. (Boy Celario)

The post 119th Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa QC binuksan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
119th Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa QC binuksan 119th Malasakit Center sa National Children’s Hospital sa QC binuksan Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.