
PATULOY na isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang magpapalakas sa kakayahan ng gobyerno na rumesponde sa fire emergencies at pagsuporta sa fire-hit communities na makabangon sa trahedya.
Noong Martes ay namahagi si Go sa mga pamilyang nasunugan sa Delpan Wharf sa Tondo, Manila ng iba’t ibang ayuda.
“Alam natin kung gaano kapanganib ang sunog kaya nag-file ako ng batas sa Senado para ma-modernize ang Bureau of Fire Protection at magkaroon tayo ng mga kampanya para paalalahanan kayo paano maiwasan ang ganitong trahedya,” ani Go na muling idiniin na dapat paigtingin ang fire prevention education awareness campaigns para maging alerto ang lahat sa mapanganib na sunog.
“Tandaan natin na sa bawat bahay na nasusunog, damay ang kapitbahay. Kaya mag-ingat tayo parati at pangalagaan natin ang buhay ng bawat tao,” ang sabi ni Go sa mga survivor ng nasabing sunog.
Nasa 200 pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog ang binigyan tanggapan ni Sen. Go ng mga pagkain, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields.
May ilan na binigyan ng mga bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa mga batang mag-aaral.
Si Go ang pangunahing may akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 1832 na magbibigay ng mandato sa BFP na iimplementa ang programang modernisasyon at pagpapalakas sa capacity-building efforts.
“Inaasahan ko na maipapasa na ito sa pagbubukas ng Kongreso ngayong July at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte by August. Sabi ko nga, dapat pinasa na ito nung nakaraang araw pero may mga ayaw sa probisyon na gagawa ng security unit.”
“Tandaan natin na dapat protektado rin ang mga bumbero. Kapag may sunog, nandiyan ang mga nag-aamok, nagnanakaw at ‘yung mga nananamantala. Kaya dapat may security unit na magse-secure sa mga bumbero at area ng sunog. ‘Yun ang pinagdedebatehan ngayon. Nanawagan ako sa mga kapwa mambabatas ko na bilisan na ito, ‘wag na tagalan at ipagkait kung ano ang due sa mga bumbero,” ang apela ni Go sa kanyang mga kasama sa Senado. (PFT Team)
The post BFP modernization Act, ipasa na — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: