Facebook

Bong Go: War on drugs ‘di ititigil ng gobyerno

SA kabila ng panawagan ng isang outgoing ICC prosecutor na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte, idiniin ni Senator Bong Go na mananatili ang giyera laban sa droga ng pamahalaan para mabigyan ang susunod na henerasyon ng mga Filipino ng mas ligtas na kapaligiran.

Sinabi ni Go na patuloy na magiging maigting ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs sa kabila ng formal request na magsagawa ng pagsisiyasat sa umano’y mga kasong crimes against humanity laban kay Duterte ng isang outgoing prosecutor ng International Criminal Court.

“‘Di po titigil si Pangulong Duterte sa kampanya kontra droga. Inumpisahan na po ito ni Pangulong Duterte. Ramdam na po ito ng taumbayan,” ani Go matapos niyang pangunahan ang distribusyon ng ayuda sa mga nasunugan sa Tondo, Maynila noong Martes.

Ayon sa senador, dahil sa kampanya laban sa illegal drugs ay mas ligtas at mas maayos na ang kapaligiran kumpara sa mga nakalipas. Mas pinagkakatiwalaan na rin ng mga Filipino aniya ang law enforcement authorities kaysa dati.

“Magtanong po kayo. Nakakalakad na po ang kanilang mga anak sa gabi, sa tulong po ‘yan ng mga pulis. Ang mga pulis ngayon, malalapitan n’yo po, maasahan n’yo po. Ramdam po ng taumbayan na secure po at meron tayong peace of mind na umuwi ang kanilang mga anak.”

“Kumpara po noon kesa ngayon, makakauwi po ang ating mga anak na meron tayong peace of mind na walang gagalaw sa kanila, dahil po ‘yan sa sakripisyo ni Pangulong Duterte para sa ating mga anak,” anang senador.

Ani Go, ang war on illegal drugs ay bahagi ng misyon ni Pangulong Duterte na mabigyan ng ligtas na bansa hindi lang ang mga Filipino ngayon kundi maging ang susunod na henerasyon.

“Ang kampanya laban sa droga, ginagawa po ni Pangulong Duterte ‘di lang po para sa atin ngayon para po ‘yan sa ating mga anak,” ani Go.

“Sinugal n’ya po lahat. Sabi n’ya hindi s’ya titigil hanggang sa huling araw ng kanyang termino. Galit si Pangulong Duterte sa mga durugista,” idinagdag ng mambabatas.

Ibinabala niya na hindi lang buhay ng isang indibidwal ang nasisira kapag gumamit ng droga kundi pati ang kanyang pamilya.

“Ako rin po, galit din po ako sa kanila dahil alam po namin maraming pamilya ang nasira dahil sa droga. ‘Yan sabi ko nga ibili n’yo na lang ng pagkain kesa pumasok kayo sa droga. Dahil kapag pumasok kayo sa droga, isang paa n’yo nasa hukay at delikado talaga,” paliwanag ni Go.

Kaya naman bilang pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs at matulungang mareporma ang isang biktima ng droga ay inihain niya sa simula ng 18th Congress ang Senate Bill No. 399 na mag-eestabilisa sa drug abuse treatment and rehabilitation center sa bawat probinsiya.

Naniniwala si Go na para masugpo ang illegal drugs, dapat bigyan ng direktang atensyon ang rehabilitasyon at pagrekober sa biktima nito. (PFT Team)

The post Bong Go: War on drugs ‘di ititigil ng gobyerno appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: War on drugs ‘di ititigil ng gobyerno Bong Go: War on drugs ‘di ititigil ng gobyerno Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.