INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng ParaƱaque sa pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez na maglalaan ito ng tatlong daang milyong pisong halaga ng gadgets para sa mga mag-aaral at guro sa pampublikong paaralan.
Hakbang ito ng city government para makasabay ang mga estudyante at teacher sa “new normal” sa pagbubukas ng school year sa Agosto dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay ParaƱaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa pitong libong tablets ang ipamamahagi sa Kinder at Grade 1 pupils habang 300 laptops ang ibibigay sa public school teachers na nagkakahalaga ng ?300-million pesos sa ilalim ng Special Education Fund.
Paliwanag ni Olivarez, desisyon ng Local School Board na ipamahagi sa Kinder at Grade 1 students ang mga tablet dahil malaki ang maitutulong ng computer sa kanilang matututuhan.
Inaprubahan naman ng pamahalaang panlalawigan ang ?200-million pesos na alokasyon para sa pamamahagi ng tig-anim na libong pisong annual allowance sa 16,000 junior at senior high school students.
Mayroon din silang tig-?500 pesos na monthly allowance habang pagkakalooban ng internet allowance ang mga teacher para tugunan ang problema sa connectivity sa ilalim ng blended learning system.
Sinabi pa ng alkalde na ipinabatid sa kanya ng DepEd-ParaƱaque na distance learning ang ipatutupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng modular instruction kasabay ng pagtitiyak na handa sila para dito dahil may magagamit pang karagdagang kalahating bilyong pisong pondo.
Mabuhay ka Mayor ELO @ Keep safe
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post Mayor Olivarez, naglaan ng P300-milyon para sa gadgets ng mga mag-aaral para sa pasukan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: