Facebook

Puno ng niyog itinanim sa gilid ng Manila Bay

Pinangunahan ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang “coconut planting” activity sa Baywalk sa Roxas Boulevard, Maynila nitong Miyerkules.

Ayon kay Cimatu, bilang bahagi ito ng rehabilitation program ng gobyerno kasama ang pagtatambak ng white sand o dolomite.

Sinabi pa ni Cimatu, na 60 puno ng niyog ang itatanim sa kahabaan ng Baywalk

Kung matatandaan aniya na dati ng maraming nakatanim na puno ng niyog sa Roxas Boulevard kaya naman ginagawa ang restoration ngayon ng DENR.

Sa cermonial planting, 10 puno ng niyog at palm trees pa lamang ang naitanim sa pangunguna ni Cimatu, Usec Benny Antiporda, at ilang opisyal ng gobyerno at Manila LGU.

Ginagamit ang mga punong ito kadalasan sa mga resorts upang magbigay ng hangin at maging maaliwalas ang kapaligiran.

Nasa 389 million pesos ang budget para sa pagpapaganda ng Manila Bay.(Jocelyn Domenden)

The post Puno ng niyog itinanim sa gilid ng Manila Bay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Puno ng niyog itinanim sa gilid ng Manila Bay Puno ng niyog itinanim sa gilid ng Manila Bay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.