INAKUSAHAN ni Senator Ping Lacson ang isang undersecretary ng administrasyong Duterte na lumilikom ng pondo,resources at supporta mula sa mga LGUs para sa isang well-oiled TROLLS operation upang isulong ang PR ng magiging manok ng Malacanang sa 2022 presidential elections.
Ang TROLLS ay ang mga keyboard warriors na gumagamit ng social media para isulong ang simulain ng isang grupo para sa layon na magkaroon ng ‘mind setting’ ang publiko at neitizens na ito nga ang tunay na nangyayari.
Sa expose’ ni Lacson,sinabi nito na nilapitan umano ng undersecretary na ito ang isang dating heneral nya sa PNP na ngayon ay isang mayor na ng isang siyudad sa probinsiya para manghingi ng pinansiyal na ayuda.
Naikuwento umano ito sa kanya ng dating tauhan at dito nabuko ang plano ng administrasyon.
Unfair umano ito dahil ginagamit ng nasabing undersecretary ang kanyang posisyon at resources at impluwensiya ng kanyang opisina.
Hindi naman pinangalanan ni Lacson ang undersecretary dahil nangangalap pa umano ang senador ng mga ebidensiya laban dito.
Sinabi ni Lacson na ito ang forte ng ilang opisyal ng gobyernong Duterte na tumulong upang manalo si Pangulong Duterte noong 2016 presidential elections.
Mas malawak kasi at organisado ang paggalaw ng mga TROLLS na tumulong sa kampanya ni Pangulong Digong.
Ang mga binansagang Keyboard Warriors na ito ay may pangunahing job description na purihin ang kandidato ng administrasyon at durugin ang mga kalaban nito sa pamamagitan ng social media.
Dito umano nagsimula ang mga katulad ni Asec.Mocha Uson at maraming iba pa na nasa puwesto sa kasalukuyan.
Nang kulitan ang senador kung si Mocha ba ang kanyang tinutukoy,sinagot ito ni Lacson ng ‘ di naman usec.si Mocha ah’!
Ayon sa ating mga sources,ang tinutukoy ni Lacson ay isang undersecretary sa DILG at ang local executive na dating tao nito ay isang dating heneral at alkalde na ng isang bayan sa Pangasinan.
Kung si Gen.Bataoil nga ba ang sinasabi na nilapitan ng usec na sinasabi ni Lacson ay di direktang sinagot ng senador.
Si Bataoil ang alkalde ng Lingayen,Pangasiinan at presidente ng League of Municipalities ng lalawigang ito.
Dati itong Heneral ng PNP at naging tao ni Lacson.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Trolls appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: